KABANATA 16:
NANATILI ako sa posisyon ko habang inaabutan ako ng staff ng payong. Tirik na tirik ang araw pero hindi iyon dahilan para mapigilan si Amanda sa paglapit kay Emil at sa isang guest na pa-simpleng hinaplos na sa braso si Emil. Dahil nakatalikod ang babae mula kay Amanda at hindi niya nakita na palapit na ito. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Emil.
Walang kangiti-ngiti si Amanda. Namilog ang mata ko at umawang ang bibig ng hinila ni Amanda ang buhok ng isa sa guest! Napatili ang dalagang guest. Ganoon din ang lahat ng nakakita. Mabilis na umawat si Emil at hinahawakan ng mahigpit ang kamay ni Amanda para hindi niya na mahila ang buhok ng isa.
Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan. Mabilis ding tumakbo si Philip patungo sa pinsan. Hinawakan sa beywang si Amanda para ilayo.
"You b***h! Kanina pa ko nagtitimpi sa'yo, ah!" pulang-pula ang mukha ni Amanda.
Naglakad ako palapit. Ang ibang guest ay lumapit para daluhan ang kaibigan.
"Amanda!" si Emil na pumagitna sa dalawa. Salubong ang kilay at hindi ko pa nakita ang itsura ni Emil na galit na galit. Ngayon pa lang.
"Ano bang problema mo?! Girlfriend ka ba?!" sigaw ng guest.
"Bakit may ganyan dito! Paalisin niyo nga 'yan. Nangugulo! Wala namang ginagawang masama--"
"Are you blind?! She's touching him! Kanina pa!" histerikal na sabi niya. Sumaboy sa hangin ang buhok nito.
"Amanda, tama na!" tila kulog na boses ni Emil. Humarap sa dalaga gamit ang galit na ekspresyon sa mukha.
Hinihila ni Philip ang pinsan niya palayo doon at binubulungan. Pumiksi si Amanda.
"Ayoko nga! Napipikon na ko!" iritadong sabi nito.
"Emil, Anong nangyayari dito?" I used my business tone like. Napatingin lahat sila sa akin. Maging ang babaeng guest na salubong ang kilay at inaayos ang magulo nitong buhok.
Tumikhim si Emil at hinawakan ang guest. Narinig kong nag-sorry siya.
"Ayos lang. Girlfriend mo ba 'yan? Kung magalit..." hindi nito tinapos ang sinabi dahil binigyan niya ng matalim na tingin si Amanda.
Ganoon pa din ang itsura ni Amanda. Hindi pa din humuhupa ang galit nito dahil pulang-pula pa din ang mukha.
"Pinagtitinginan na kayo ng mga tao. Magiging iba ang epekto ng komosyon na ito sa Hacienda ko. Emil, gusto kitang makausap sa opisina ko pero mukhang kailangan mo muna kausapin si Amanda tungkol dito." Tinignan ko siya ng mariin. Bumuntong-hininga si Emil at pinasadahan ang buhok nito at napapa-iling na lang sa nangyari.
Ang mga staff ay sinaway ang ibang guest na huminto at nakiki-usosyo. Bumaling ako sa magbabarkada.
"Naku! Ipapa-blotter ko 'yan! Hindi ko inaano. Biglang mananabunot! Tama ba 'yon?! Maam, hindi pwedeng palagpasin mo ang ginawang 'yan sa akin."
"Excuse me! Who are--"
"Tumigil ka na sabi, Amanda!" Hinawakan ni Emil si Amanda sa balikat at galit na iniharap sa kanya. Kinaladkad palayo doon.
Naninikip ang dibdib ko na makita si Emil na hawak ng mariin ang mga kamay ni Amanda at naglalakad sila palayo. Umiwas ako ng tingin.
"Pasensya na po, Maam. Ako na po ang humihingi ng pasensya sa inasal ng pinsan ko. Alam ko namang mali ang ginawa niya. Hindi talaga maganda ang naidudulot ng selos."
Nagulat ako ng humingi ng dispensa si Philip.
Nagbulungan ang magkakaibigan. Lumapit ako sa guest na nasaktan kanina.
"Maam, I apologize for what happened po kanina. Imbitahan sana kita sa office ko para mapagu-sapan sana ang tungkol sa nangyari. Pwede po ba?" malumanay kong sabi.
"Sige na, Mara!" ani ng kaibigan nito.
Tumango sa akin iyong tinawag na Mara. Sinenyasan ko ang driver na lumapit sa amin.
"Sige, Maam. Mauna ka na pong sumakay," sabi ko sa guest at minuwestra ang caddy cart.
Bumaling ako kay Philip.
"I'm sorry, Philip. I need to fix this one. Baka magkaroon ng bad record ang Hacienda dahil sa nangyari. Sumama ka na lang muna sa amin. Tapos antayin mo ko sa lounge. Don't worry, mabilis lang ito. Ipapasyal pa din kita." Ngumiti ako ng tipid.
Umiling ito.
"Ayos lang. Dito na lang ako mag-aantay. Maglilibot na din ako. You can call me once your done para masamahan mo ko mamaya. Huwag ka ng ma-guilty. Hindi mo naman ginusto ang nangyari. I apologize for my cousin's careless action."
"Ayoko ng maulit ito kaya sana kung pwede kausapin mo din si Amanda bago ko siya ipa-ban sa Hacienda ko. Papangit ang rating namin sa guest kung ganito palagi ang gagawin niya. Oras ng trabaho ni Emil. Binabantayan niya. Anyway, I'll call you na lang. Mauna na muna ako," sabi ko sa kanya na tinanguan na lang nito. May pait sa dibdib ko at hindi lang basta-basta ang binitiwan kong mga salita.
Marami akong gustong sabihin kay Emil. Ngayon lang unti-unting tumataas ang inis sa aking dibdib para kay Amanda at sa ginawa nito.
Sumakay ako sa golf cart at nagpahatid sa Clubhouse. Pagdating sa opisina ay nag-utos agad ako kay Mia na magpadala ng maiinom at snacks para sa bisita.
"Maupo ka po muna, Maam." Iminuwestra ko ang upuan sa harap ng aking lamesa. Umikot ako at umupo sa swivel chair.
Pinasadahan ng tingin ng guest ang buong office. Hindi na ko nagpaligoy-ligoy pa. Humingi ulit ako ng tawad sa nangyari at nag-offer ng free one day staycation para sa kanilang magka-kaibigan bilang pakunswelo. Tulad ng inaasahan. Kinagat niya iyon. Kapalit niyon ay ang hindi pagkalat ng nangyari. Hindi na nito nagalaw ang snacks na dinala ni Mia. Natapos agad kami at okay na si Mara.
"Salamat po, Maam!" anito at nginitian ko na lang. Umalis din ito agad bitbit ang snacks na hinanda kanina.
"Mia, i-extend mo ng 1 day ang isang guest. Ito yung pangalan tsaka room number." Inabot ko kay Mia ang papel na sinulatan ko kanina.
"Tapos, pakitawag si Emil. Gusto kong makausap," utos ko at sumandal sa swivel chair.
"Sige, Maam."
Ipinikit ko ang mga mata at hinilot ang sentido. Narinig ko ang pagbukas sara ng pinto hudyat ng pag-alis ni Mia sa office ko. Nag-re-replay sa utak ko iyong eksena kanina. Kung paano galit na galit si Emil na kinaladkad si Amanda papalayo sa lugar. Parang nanadya pa ang isip ko at talagang binabalikan ang nakita ko na paghawak ng mariin ni Emil sa kamay ni Amanda.
Alam kong mali itong nararamdaman ko. Pero hindi ko maiwasan ang pait sa dibdib. Naiinis din ako. Pilit kong pinapaalalahanan ang sarili na kumalma. Nanatili ako sa ganoong posisyon ng may kumatok sa pinto. Dumungaw si Mia sa siwang ng pintuan.
"Nandito na po si Emil, Maam."
"Sige, papasukin mo."
Umupo ako ng tuwid. Kumalabog ang dibdib ko. Ang bilis agad ng pintig ng puso ko. Hindi lang sa kaba kundi frustration. Andami kong gustong sabihin pero pinipigilan ko ang sarili. Wala ako sa lugar para awayin si Emil. Naiinis ako kay Amanda pero alam ko na dapat munang siya ang kausapin ko dahil sila ang may issue. Empleyado ko siya.
Ang nasa isip ko ngayon ay higit sa magkaibigan ang turingan nilang dalawa. Hindi, dahil sa reaksyon ni Amanda parang may karapatan siya kay Emil kung ganoon na lang nito sugurin ang guest kanina.
Pumasok si Emil at halatang problemado. Iminuwestra ko ang upuan sa harap. Matapos nitong umupo ay tsaka ko siya kinausap.
"Pasen--"
"Hindi--"
Natigilan kami pareho ng sabay pa kaming nagsalita. Tumikhim si Emil at umiwas ng tingin.
"Sige, Maam, Ikaw na muna."
Bumuntong-hininga ako. Mabigat talaga ang dibdib ko. Hindi dahil sa sabunutan kanina kundi sa paraan ng pagkakahawak niya kay Amanda. Umalis pa silang dalawa. Ano kayang nangyari sa pag-uusap nila?
"Hindi ako natutuwa sa nangyari kanina at malaki ang epekto ng ginawa niyong komosyon sa ratings ng Hacienda. Malaking tsismis pa kung makaka-abot sa social media. Emil, hiwalay ang personal sa trabaho. Kung hindi mo kayang pagsabihan ang girlfriend mo at baka magpatuloy pa siya sa panga-away sa mga guest ko. Baka mabuti ng alisin na lang kaya kita sa serbisyo?" walang kangiti-ngiti kong sabi.
Napabaling siya sa akin ng wala sa oras. Bakas sa mga mata nito ang takot sa sinabi ko. Umiling ito at napabuntong-hininga.
"Hindi ko siya girlfriend," mariin nitong sabi.
Umawang ang bibig ko at mas napatuwid ang pag-upo. Sa dami ng sinabi ko. Iyon lang ang nilinaw niya? Iyon lang ba ang naintindihan at pumasok sa isip niya?
Hindi pala sila ni Amanda pero bakit ganoon iyon umasta?
Napalunok ako bago nagsalita.
"Hindi pala pero bakit nanunugod at nanakit ng guest? Alam ko na may pagkakamali din ang guest, Emil. Naging madikit nga naman sa'yo pero hindi ba ikaw dapat ang mas may karapatan magalit kung na-offend or nabastos ka niya? Anong nangyari kanina? Bakit gano'n?" Hindi ko na maiwasang magsalubong ng kilay.
"Selosa talaga si Amanda. Magkaibigan lang kami," sagot nito na tila dinidiin niya sa akin kung ano lang ba talaga ang status nila ni Amanda.
"Ayoko ng maulit ang nangyari kanina, Emil."
"Hindi na. Nagkausap na kami at hindi na siya pupunta dito."
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Talaga kayang hindi na pupunta? Ano naman kaya ang reaksyon ni Amanda sa gustong mangyari ni Emil?
"Mabuti. Kasi kung makikita ko pa siya sa arena at mauulit iyon. Tatanggalin na kita sa trabaho," walang kagatol-gatol kong sinabi.
Aaminin ko. Hindi ko gusto ang ideya na tanggalin siya sa trabaho pero umiral sa akin ang pagiging may-ari ng Hacienda. Nakasalalay sa desisyon ko ang magandang record ng Hacienda. Hindi pwedeng dahil sa kay Emil. Isasawalang bahala ko na lang iyon. Masisira kami at masasayang din ang ilang taong pinaghirapan ng angkan ko para lang makarating kami dito.
Napalunok si Emil sa sinabi ko. Marahang tumango. Tinitigan ako sa mga mata.
"Hindi na talaga, Maam. Pasensya na sa nangyari kanina. Kakausapin ko din si Maam para humingi ng sorry. Hindi naman ako nakaramdam ng na-harass ako o ano. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Masaya ako na masaya din ang mga guest kapag napagbibigyan ang mga simpleng hiling nila. Makaka-asa ka na hindi na mauulit ito, Maam," sabi ni Emil na hindi binasag ang pakikipagtitigan sa akin.
Nakita at ramdam ko naman ang sincerity niya sa mga sinabi. Umusog ako at umiwas ng tingin.
"Sige, makaka-alis ka na," pinal na sabi ko.
"Lilinawin ko lang. Kababata ko lang si Amanda. Malapit na siya sa akin noon pa. Noong naga-aral pa ko. Nasanay siya na siya palagi ang kasama ko at inaasikaso. Kaya bago ito sa kanya."
Napabaling ako sa paliwanag ni Emil. Nanliit ang mga mata ko. Matagal na kong kuryoso tungkol dito kaya hindi ko na napigilan itanong sa kanya.
"Kung ganoon pala bakit hindi ka sa kanya magtrabaho? Para hindi na siya magbantay palagi sa'yo?" Humalukipkip ako at sumandal sa swivel chair. Inaantay ang sagot nito.
"Ayokong isipin niya na sinasamantala ko ang pagkakaibigan namin para gumanda ang buhay ko. Hindi ako gano'n. Kaya kong magbanat ng buto ng walang tulong ng iba. Kaya kong maghanap ng trabaho ng walang tulong niya. Kahit ganito ako, may pride pa din ako at paninindigan ko 'yon."
Natigilan ako sa sinabi niya. Ilang segundo ata akong natulala at namangha sa sagot niya. Kumurap-kurap ako at binagsak ang tingin sa lamesa. Nawala ako sa sarili ng ilang segundo din dahil sa kanya. I regained my composure. I cleared my throat before I look at him.
"Wala akong kapatid. Mula pa noon mabait na si Amanda sa akin. Kaya tinuring ko na din siyang kapatid ko. Pero hindi ko akalain na napasobra ata ang pagtrato ko sa kanya kaya iba na ang reaksyon niya."
"May gusto siya sa'yo," mahina kong sambit.
Umiwas ito ng tingin at marahang tumango.
"Alam ko, pero hindi ko siya gusto." Bumaling siya sa akin at tinitigan akong muli.
Kumalabog ang puso ko. Ilang segundo ata na hindi ako huminga.
"Nilinaw ko na iyan sa kanya. Nagkausap na kami pero hindi ko akalain na ganito ang gagawin niya. Pasensya na talaga sa kanina..." namamaos nitong sabi. Pinasadahan ng daliri nito ang buhok.
Tumango na lang ako at wala ng masabi pero hindi matigil sa pagpintig ng mabilis ang puso ko. Naghuhurumentado ang sistema ko sa ginawang pag-amin ni Emil. Para bang naglaho ng parang bula ang inis ko kanina. Ganoon kadali na nawala. Napalitan ng tuwa ang puso ko. Hindi niya gusto si Amanda. Nagpaalam na si Emil at umalis. Tsaka ako napabuga ng hangin at nakagat ng mariin ang labi. Kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga. Bakit ganito na ang saya na malamang hindi pala sila. Napahawak ako sa puso ko. Sobrang lakas ng pintig. Damang-dama ng palad ko.