KABANATA 5

2050 Words
KABANATA 5: I tried so hard to ignore whatever it is I am feeling. But, hell! It is so damn hard. Eventually, I failed. Last night, I admitted I have a huge crush on him. Inamin ko ito noon pero ngayon mas sobra na ata sa pagka-gusto. Who am I kidding? He is oozing with so much s*x appeal. He's like a Greek God to me. I wouldn't be surprised if one day he will be into modeling. Like, hello! With that prominent jaw perfectly fitting his oblong face shape, dark brown proportioned eyes with a refined nose and thin lips, not to mention his drop-dead gorgeous body, he could steal the innocence of any woman easily. Well, yeah... including me. Good, God! My desire for him keeps on rising whenever I think about him. Hindi lang iyon. Nawawala ako sa focus kapag andiyan siya. I never have a boyfriend, and I never felt this kind of desire towards someone. I mean... normal ba itong nararamdaman ko na maski sa panaginip naisasama ko siya? There is something wrong and maybe... Maybe he's hypnotizing me? I hate myself for the past few days. Ito ang napapala na hindi kasi nagbo-boyfriend. Kaya tuloy ng makakita ng lalaki na gusto hindi na mawala sa isip. Para na niya akong fan. Secret fan. At hindi ko iyan aaminin. Hindi dahil wala namang saysay ang lahat ng ito at hindi na dapat gawing big deal. I will keep this to myself. Abala ako sa page-email ng pumasok si Rita at Phobe na kapwa kagagaling lang sa Maynila. "Surprise!" tili nilang dalawa. Napatigil ako sa ginagawa at natatawang tumayo para salubungin sila. Parehong may mga bitbit na paper bags ang dalawa na hula ko pasaubong nila sa akin. "Grabe ang taas ng sikat ng araw!" biro ko dahil pareho pa silang may suot na aviators. Natatawang itinaas ni Rita ang salamin at nilapag ang paper bag para mayakap ako at makapag-beso na rin. "Ay grabe! Amoy Maynila!" Humalakhak ako. Natawa si Rita sa akin. Ang singkit na mata ni Phobe ay lalong nawala ng natawa ito. "Grabe ka din! Hmm... Amoy probinsya!" "Baliw!" sabi ko pero nagtawanan lang kaming dalawa. "Let me take a seat. Napagod ako sa biyahe. Geselle, inuna ka naming puntahan dito kaysa sa kamag-anak namin. Should we get a reward?" si Phoebe na umupo na sa sofa. Nilapag sa paanan nito ang mga paper bag. Bago pa ako makasagot ay hinawakan ni Rita ang kamay ko. "Oh, this is my pasalubong. Mayroon din diyan for Lolo Aurelio." "Aw... thank you. You're so sweet," sabi ko habang inaabot ang apat na paper bag mula sa kanya. Napatingin ako sa paper bag na na kay Phoebe. "How about you? Akin ba 'yan lahat?" Nguso ko sa nasa paanan niya. "Sayo ang isa," anito at inabot sa akin ang pinakamalaking paper bag. "Eh kanino lahat ng 'yan?" Kunot-noo kong tanong. "Kay Landon..." mahina nitong sabi. "What?! Bakit ang dami ng kanya. Sa akin isa lang?!" reklamo ko. Binilang ko ang paper bag na nasa tabi na ni Phoebe. Apat iyon na malalaki. "Hindi ka daw malakas," sagot ni Rita at natatawa pa. "You don't need to buy stuff for him. Madami ng gamit 'yon. Tsaka sabi ko sa'yo babaero 'yung pinsan ko. Gusto mo pang mapasama sa koleksyon niya." Nilapag ko sa lamesa ang mga pasalubong nila sa akin. "Ano ka ba. You know I have a huge crush on him--" "At kapag may gusto sa lalaki. Nagiging bading 'to. Binibigay lahat kahit wala pang label," si Rica at tawa ng tawa. Hinampas tuloy siya ni Phoebe sa balikat. "Aray! Kailangan mang-hampas?" reklamo ni Rita pero natatawa din naman. Napa-iling na lang ako. Hindi naman nakikinig si Phoebe kahit anong sabihin ko. These two are my best of friends. Simula pa college, magkakasama na kami. Iyon nga lang noong nag-graduate kanya-kanya ng karera sa buhay. Nagdesisyon ang dalawa na tumira sa Maynila dahil doon na balak mag-trabaho. Kasama na din nila ang pamilya doon. Paminsan-minsan na lang umuwi para magbakasyon. Tulad nito. Biglaan ang paguwi nila. Hindi sinabi. "Buti nakapag-leave kayo? Do you want something--drinks... snacks?" tanong ko. Umiling ang mga ito. "Kumain na kami bago pumunta dito. Nag-file kami. Three days leave," ani ni Rita at panay pa ang taas baba ng kilay nito. Magkasama ang dalawa kasi sa trabaho. Nakapasok sila sa kilalang kumpanya sa Pasig. "Kaya dito kami magse-stay. Na-miss ko ang Hacienda niyo! Marami ng bago tsaka nakita ko ang dami ding guest," sabi ni Phoebe. "Oo, jampacked kami ngayon. Sa mansion tayo. Tiyak matutuwa si Lolo kapag nakita kayo," saad ko. "We heard you have a new staff. Sabi ng pinsan ko gwapo daw at macho iyong nagbabantay ng kabayo. Kaya dumami ang guests--" si Phoebe. "Ah... so dahil diyan kaya niyo ko binisita? Hindi dahil na-miss niyo ko?" Nanliit ang mata ko. Nagtawanan silang dalawa ni Rita. Si Phoebe pa naman matanda na pero mahilig sa crush. Mabilis magbago-bago ng crush at bukod tangi lang na hindi naalis ang pagka-gusto niya sa pinsan ko. Kaya alam ko na sa oras na makita niya si Emil. Hindi ako titigilan ng babaeng ito. Napalingon ako ng may kumatok. Sumilip si Mia sa siwang ng pinto. "Excuse me, Maam. Nandito na po si Emil." Napatingin ako sa dalawang kaibigan na na kay Mia din nakatingin. "Naku magta-trabaho ka pa pala. Lalabas muna kami ni Phoebe. Titingin lang sa buong club house muna." Tumayo si Rita at hinahatak patayo ang kaibigan. "Saglit lang ito. Antayin niyo ko sa labas. Pagtapos nito. Uwi tayo sa mansion." Tumayo na din ako at sinenyasan si Mia na luwagan ang pinto. Nauna akong lumabas. Nagtama agad ang mata namin ni Emil habang nakapamulsa ito. Suot ang puting fitted shirt na tinernuhan ng ripped jeans. Noon pa man, hilig ko na ang boy next door na datingan. Kaya hindi ko alam bakit kahit rugged itong si Emil. Ang lakas ng s*x appeal niya para sa akin. Maging ang mumunting bigote nito ay maganda na sa aking paningin. Nagsisi ako na palabasin ang mga kaibigan. Sana pala ako na lang lumabas mag-isa. Bakit parang gusto kong ipagdamot si Emil. Ayaw kong makita siya nila Rita at Phoebe. "Magandang hapon, Senyorita." "Babalik kam--" "Oh my god. Who is he?" bulong ni Phoebe na nasa tabi ko na kasama si Rita. Napatingin si Emil sa mga kasama ko. "Magandang hapon po mga Maam." Ngumiti si Emil kaya kitang-kita ang puti at pantay-pantay nitong mga ipin. "He's Emil, our new staff--" Naputol ang sasabihin ko ng sumabat si Phoebe. "Iyong sa kabayo?" sabi nito. Pagbaling ko pa lang nakita ko na ang pagkislap ng kanyang mga mata. Sabi ko na nga ba. Marahan akong tumango. Nanliit ang mga mata nito na tila may binabalak. "Magta-trabaho 'yan, Phoebe. Spare him." Pinandilatan ko siya ng mata. Hinawakan ni Rita sa braso si Phoebe. "Halika na, bruha ka. Magta-trabaho pa si Geselle," si Rita. Nagiwan lang ng ngiti si Phoebe kay Emil. Tumango lang ang isa at walang reaksyon. Hindi niya ba napapansin na may gusto sa kanya ang kaibigan ko? Bumalik sa pwesto niya si Mia. "Halika, dito tayo sa opisina ko," sabi ko at tinalikuran si Emil. Nauna akong pumasok at dumiretso sa swivel chair ko. Kinuha ko sa lamesa ang panali at itinaas ang dalawang kamay para matali ang aking buhok. Bigla akong nainitan. Pilit akong umaakto ng kalmado kahit sa totoo lang naghuhurumentado ang dibdib ko sa kaba. Napatingin ako sa kanya na nahuli kong nakasulyap sa aking leeg. Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim. "Pakilapat ng pinto. Hindi masyadong naisara," utos ko bago umupo sa swivel chair. Tahimik itong sumunod. Pasimple kong pinagmamasdan ang bawat galaw nito. Bakit ganoon. Nasaan ang hustisya. Maski pagsara ng pinto pakiramdam ko nanunuod ako ng commercial bigla. Ipinilig ko ang ulo. Umayos ako ng upo at binuksan ang drawer. "Ipinatawag niyo daw ako, Senyorita." Nag-angat ako ng tingin at nakita ko siyang titig na titig sa akin. Nilahad ko ang bakanteng upuan sa harap. Tumikhim ito at nagiwas ng tingin bago ako sinunod. Umayos ako ng upo ng makuha ang puting sobre. Napatingin si Emil doon. Agad ang pagrehistro ng kaba at takot sa kanyang mga mata. Kumunot ang noo ko. "May nagawa ba akong mali? Masisisante ba ako?" kabado nitong tanong. Umawang ang bibig ko at bakas sa aking mukha ang amusement. Mariin kong kinagat ang ibabang labi dahil natatawa ako na iyon ang iniisip niya. Tumikhim ako at umiling. "Bakit naman iyan ang naisip mo?" I asked in a flat tone. "Akala ko lang dahil dun sa uh... nung nakaraan. Alam ko namang naiinis ka sa'kin," direktang sabi niya sa akin. Napataas ako ng kilay. Aware naman pala siya na naiinis ako sa kanya. Mabuti nga hindi kami nagkakatagpo ng landas nitong weekdays. Iniiwasan ko din na makita siya sa kwadra kapag weekends kaso hindi ko lang nagawa nitong huli dahil sa mga pinsan ko kaya sa susunod na linggo malamang hindi kami magtatagpo dahil hindi na muna uuwi nag mga pinsan ko. Ilang beses na kasi silang nasa Hacienda para sa bakasyon kaya ngayon babawi sila sa trabaho. "Well, pinatawag kita dahil dito..." marahan kong nilapag ang sobre at tinulak palapit sa kanya. "It's a token of appreciation--a bonus. I just want you to keep silent about it dahil hindi lahat ng empleyado ay mayroon. Aware ang buong pamilya sa naitulong mo para dumami pa lalo ang guest dito sa Hacienda. Hindi na tayo natetenggahan ng big groups every week. We appreciate your effort, Emil. Senyor Aurelio is happy about it. Thank you for being one of our most valuable staff," mahaba kong sabi. Napatingin ako sa bibig nitong saglit na napaawang. Namamangha sa mga salitang narinig mula sa akin. Tinagilid ko ang ulo. Napakurap-kurap siya at napatingin sa sobre na nasa lamesa. "Take it, Emil," sabi ko dahil parang nahihiya siya na tanggapin iyon. Ito ang unang pagkakataon na ako ang magbibigay sa kanya ng pera. Dumadaan sa Accounting kasi pero sa pagkakataong ito. Nagpasya ako na ako ang maga-abot sa kanya para na rin hindi ito pagtsismisan ng iba na bakit may natanggap si Emil samantalang ang iba ay hindi. Ang nasa Accounting pa naman namin ay madaldal. Kung hindi lang magaling ay pina-alis ko na noong una pa lang. Kinuha ni Emil iyon at nilapag agad sa hita niya. "Ginagawa ko lang ang trabaho ko, Senyorita. Kaya dumami ang guest dahil maganda talaga sa Hacienda Madronero." Tumikhim si Emil at muling nagtama ang aming mata. "I agree pero hindi ito dahil na lang doon kundi dahil sa'yo. Because of your uh... looks? Jampacked ang Hacienda. Ang daming booking. Puro grupo ng mga babae. Ayoko lang umabot sa punto na may maga-away na naman dahil sa'yo." Tinagilid ko muli ang ulo at pinagmasdan siya. "May mga lalaki din naman, madami..." namamaos niyang sabi. Kumunot ang noo ko. "Mas madami ang babae, Emil." Umayos ako ng upo. Bakit parang sa iba na napupunta ang usapan namin. "Kung nadadamihan ka sa lalaki. Karamihan doon, bading." Napailing-iling ako sa kanya. Naririnig ko sa mga staff ko na may mga grupo na din ng gays ang nagday tour. Hindi nagsalita si Emil pero nakatitig lang sa akin. Bumaba ang mata nito sa aking labi. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang paglunok nito at agad na binalik ang tingin sa aking mga mata. Ayun na naman ang tingin niya na parang nilalamon ako. Binagsak ko ang tingin sa lamesa at umayos ng upo. Hindi ko mapigilan ang mabilis na pagtibok ng aking puso. Pinagpapawisan ako ng malapot. Ayoko tignan na siya sa mga mata. Para akong bibigay. Pakiramdam ko magkakasala ako ng wala sa oras. "Okay na. Pwede ka ng umalis," sabi ko dahil mukhang walang balak tumayo si Emil. Nag-angat ako ng tingin. Tsaka ito napakurap-kurap at tumango. Natatarantang tumayo. Nalaglag tuloy ang sobre sa sahig. Tumikhim ito ulit at hindi makatingin sa akin matapos pulutin ang sobre. Namumula ang magkabilang tainga. "S-salamat ulit dito, Senyorita. Maraming salamat din po kay Senyor," anito na tinanguan ko lang. Nakahinga ako ng maluwag ng lumabas siya. Tsaka ko lang narealize na pigil pala ang aking paghinga. Simpleng interaksyon lang kay Emil nagkakaganito na ako. Para akong teenager. Kung kailan matanda na bumabalik pa sa pagkabata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD