KABANATA 4:
DUMAMI ang mga nangabayo sa Hacienda at aminado ako na dahil iyon sa kay Emil. Mabilis na kumalat sa lalawigan nila ang tungkol doon. Maski sa kay Lolo Aurelio at mga pinsan ay nakaabot ang balitang iyon.
"You should give him a token of appreciation--like bonus?" saad ni Kuya Charles habang lahat kami ay nasa hapag kainan.
Nagpatuloy ako sa pagkain. Naguusap-usap sila tungkol sa nangyaring biglang pagdami pa ng guest at maraming special request sa horse back riding. Halos lahat ang gusto ay si Emil ang mag-assist.
Sumasakit tuloy ang ulo ko dahil sa ilang guest na malagpas lang ng isang minuto ang ina-assist ni Emil ay nagagalit na ang mga ito.
"He's an asset. I am happy that Mang Rey recommended him. Hindi lang marunong mag-alaga ng kabayo. Mas napadami niya ang guest at nakikilala pa ang Hacienda dahil sa kanya," puri ni Lolo.
"What do you think, Geselle?" si Kuya Jack.
Nag-angat ako ng tingin. Marahang kong kinuha ang napkin at dinampi sa gilid ng aking labi.
"Hmmm?"
"What do you think about Charles suggestion?" pinagsalikop nito ang mga daliri habang pinagmamasdan ako.
Kumunot ang noo ko at bumaling kay Kuya Charles.
"Ano bang sabi mo, Kuya?"
"Eh?" Tinagilid nito ang ulo at napapantastikuhan sa akin.
"You're not listening. Your mind is somewhere else. What is happening to you?" si Kuya Landon na nakatingin sa akin habang umiinom ng tubig.
"Sabi ko kung bigyan mo kaya ng Bonus si... sino nga ba 'yon, Kuya Jack?" Napakamot ng ulo si Kuya Charles.
"Emil," sagot ni Kuya Jack.
"Right, Emil. Ilang araw pa lang. Ang laki na ng sales ng Hacienda. Maramdaman man lang niya na naa-appreciate ng pamilya ang ginagawa niya sa trabaho. Aside from that, I am thinking one of these days. Our competitors will going to pirate him. His demand is high. Syempre, kung alam ng iba na dahil sa kanya nakilala pa ang Hacienda. Malamang marami ang kakausap diyan at mago-offer."
"Right!" si Kuya Nolan.
I rolled my eyes.
"Paano kung hindi? Paano kung gagaya lang sila at maghahanap ng kasing tulad niya? Do you think it is too early to give him that? Hello, five days pa lang siya trabaho. Parang unfair ata sa ibang staff na masisipag pa sa kanya at ilang taon na sa serbisyo pero hindi ko bibigyan ng special bonus?" I wondered.
Tumango-tango ang iba kong pinsan.
"Maganda na isabay mo sa mid-year nila. Taasan mo na lang ang kanya," si Kuya Jack.
"Paano kung makuha 'yan ng iba?" si Kuya Charles.
"Then he's not loyal. Ganoon lang 'yon." Kibit-balikat ko. Nagpatuloy sa pagkain.
"Pero kahit na. Sayang ang malaking kita ngayong andiyan siya, 'di ba?" si Kuya Charles.
"I agree with Charles. Pero tama naman ang sinabi din ni Geselle. We need loyal staff. However, kung ako naman ang o-offeran ng malaki. Aalis ako lalo na kapag malaki ang income. Mas gaganda ang buhay ko--"
Naputol ang sinabi ni Kuya Nolan ng sumabat si Kuya Jack. Nag-angat ako ng tingin.
"So, meaning to make the employees stay. We should treat and pay them well. Alam mo 'yan. They are motivated when they feel that the company is after their welfare. Hindi sila kinukuriputan. Magtatagal iyan kapag naa-appreciate mo ang trabaho nila. Loyal employees are part of our business success. Kaya hindi ko maintindihan bakit ganyan ang sagot mo sa amin ngayon?" Mariin akong tinignan ni Kuya Jack. Animo binabasa niya ang nasa utak ko.
Binagsak ko ang mga mata sa sariling plato. Hindi ko din alam ang sagot basta naiinis ako sa Emil na 'yon. Pakiradam ko talaga puhunan niya lang ang gandang lalaki niya para makahanap ng bigatin at magandang isda.
Ano naman sa'yo ngayon?
Wala sa sariling napairap ako sa kawalan. Nakita iyon ni Kuya Landon.
"Don't roll your eyes on us, lady!" sita ni Kuya Landon.
Napa-upo ako ng tuwid. Hindi naman sila iyon. Para sana kay Emil iyon!
Dahil sa ginawa ko ginisa tuloy nila kong lahat. Umawat na lang si Lolo dahil pinagagalitan ako ni Kuya Jack na nagmamaldita ako ngayon. Pati silang magkakapatid nagkasisihan na dahil daw pinalaki akong spoiled kaya ganyan maski sa kanila tinatarayan ko ng wala sa lugar.
"Enough! Nasa hapag-kainan tayo ganyan ang gagawin niyo?" si Lolo na napahilot sa sentido. Mabilis siyang pinainom ng tubig. Nanahimik kaming lahat.
Natapos ang tanghalian. Nagkaya-yaan kaming maligo sa lawa. Sa Stable muna kami pumunta. Pagdating doon ay tanaw ko na agad si Emil na pinapakain ang ibang kabayo. Hanggang bukas na lang si Mang Rey at si Emil na ang tuluyang papalit sa kanya. Matagal na kasi sa amin si Mang Rey. Matanda na siya at ngayon pinapatigil na ng mga anak nito sa trabaho. Kaya naman kasi siyang suportahan dahil tatlo sa anak niya ay nasa abroad.
I'm a little sad about it because he was not just an employee but also a father to me. Alam ko naman na hindi namin hawak ang buhay niya. May karapatan siyang umayaw kahit kailan nito gusto at dapat naming i-respeto iyon.
Nagbi-biruan ang mga pinsan ko habang naglalakad palapit sa kwadra. Tulad ng una ko siyang nakita. Wala na naman siyang pangitaas na damit. Hapit ang suot nitong maong pants at tinernuhan ng plastic boots.
Agad ang pagtahip ng kaba sa aking dibdib. Napatingin ako sa suot kong checkered na long sleeves. Maong na pants at boots. Napahawak ako sa aking buhok. Wala sa sariling inayos ko iyon. Natigilan ako at napapikit ng mariin.
Good, God! Ano ba itong nangyayari sa akin!
Napapitlag ako ng akbayan ako ni Kuya Landon.
"Oh, so he's really hot. Maganda ang katawan... hmm...pero mas pogi ako." Humalakhak si Kuya Landon habang inakbayan ako. Bumaling kasi sa amin si Emil at napahinto sa ginagawa nito ng makita kami.
Sinimangutan ko siya. Feeling gwapo na naman ang isang 'to. Wala namang ibang gwapo sa paningin niya kundi siya pa din naman, eh.
Ginulo niya ang buhok ko at napailing.
"Magandang tanghali po mga Senyorito..." bati niya habang tinitignan ang mga pinsan ko isa-isa.
Tumango ang mga pinsan ko.
Natigil ang mata niya sa akin. Kumalabog ang puso ko. May kung ano sa tiyan ko na parang hinahalukay. Hindi ko maintindihan kung bakit sa tuwing nagtatagpo ang mata naming dalawa. May kakaibang epekto iyon sa akin.
"Senyorita..." bati niya. Umiwas ito ng tingin.
Tumikhim si Kuya Jack.
"Magandang tanghali din. Nakahanda na ba ang mga kabayo namin? Pupunta kami sa lawa ngayon," si Kuya Jack.
Tumango si Emil. Isa-isang tinignan ng mga pinsan ko ang mga paborito nilang kabayo.
"Opo, Senyorito. Ilalabas ko lang si Max." Tukoy nito sa kabayo ni Kuya Jack.
"Pati na din kay Geselle. Sino gagamitin mo?" baling sa akin ni Kuya Jack.
"Si Sebastian..." mahina kong sabi.
Umalis sa pagkaka-akbay sa akin si Kuya Landon at nakisali sa pagkuha ng mga kabayo nila. Hindi na ko nakisama dahil nagprisinta naman na si Emil na siya na ang maglalabas ng kabayo namin ni Kuya Jack.
"Oh, god! Nakalimutan ko ang pamalit ko!" problemadong sabi ni Kuya Charles.
Napangiwi ako. Medyo malayo na ang nilakad namin at nakakatamad namang bumalik.
"Bakit mo kasi iniwan! Ang tanga-tanga naman!" si Kuya Landon.
"Tanga agad? Nasa lamesa na 'yon kanina. Hindi ko nabitbit. Hindi niyo man lang din napansin? Lahat kayo may dala. Ako wala." Iritadong sabi ni Kuya Charles.
"You have three options. Go back and pick it by yourself. Don't swim or suffer in wet clothes while going back to the mansion. You choose," suhesyon ni Kuya Jack.
Umungol sa iritasyon si Kuya Charles. Siya pa naman pinaka-tamad din sa lahat. Hindi iyan babalik. It's either hindi siya magsu-swimming or uuwi siyang basa ang damit.
"Pwede ko pong balikan, Senyorito. Ihahatid ko na lang sa lawa."
Kitang-kita ko ang pagliwanag ng mukha ni Kuya Charles. Para bang nakakita siya ng tagapagligtas. Pasimple kong tinignan si Emil. Halos magkasing-tangkad silang lahat. Angat lang talaga ang magandang katawan niya sa mga pinsan ko.
Sanay na sanay atang binabalandra ni Emil ang katawan. Hindi nga nahihiya sa mga pinsan ko. Nagtagal ako sa mala-pandesal nitong dibdib. Parang ang tigas ata kung hahawakan iyon.
Nag-init ang magkabila kong pisngi lalo na ng napasulyap siya sa akin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya!
Pinagpawisan ako ng malapot. Nakalimutan ko atang huminga ng ilang segundo.
"Wow, cool! You just save me, bro! Sige, hindi ko tatangihan 'yan. Antayin ka namin sa lawa."
Hindi ako makatingin sa kanya. Hindi ko nga alam bakit ganito na naiilang ako. Samantalang dapat siya lang makaramdam noon matapos ang sagutan namin nung nakalipas na mga araw. Ngayon na nga lang kami nagkita.
Weekends ngayon at responsibilidad niya na pakainin at paliguan ang mga kabayo. Linisin ang kwadra. Pinapaliguan niya lahat maliban sa dalawa kong kabayo na ako ang gumagawa niyon. Tulad sa kanina. Maaga ko silang pinaliguan. Wala pa si Emil sa kuwadra.
Parang hindi ko kayang nasa iisang lugar lang kami. Kahit maluwag ay pakiramdam ko masikip. Naiilang ako at hindi nawawala sa isip ko iyong huling pagu-usap namin. Naiinis na nga ko, eh! Kaso anong magagawa ko. Itong utak ko palaging may replay!
Kanya-kanya ang mga pinsan ko sa pagsampa ng kabayo. Nilapit ni Emil sa akin si Sebastian. Hindi ako nagsalita. Dapat na mag-thank you ako pero hindi ko magawa.
"Tulungan na kita, Senyorita," sabi nito at balak ng hawakan ang kamay ko ng sitahin siya ni Kuya Jack.
"Emil, marunong si Geselle sumakay sa kabayo. Hindi niya na kailangan ng alalay."
Natikom ko ang bibig sa masungit na sabi ni Kuya Jack. Mabuti na lang at naglakad na palayo ang kabayo ng mga pinsan ko kaya naiwan kaming tatlo.
"Pasensya na po, Senyorito," magalang na sabi nito at lumayo agad sa akin. Siguro malinaw na sa kay Emil na bawal niya akong hawakan. Over protective si Kuya Jack pagdating sa akin.
Tumango lang si Kuya Jack. Hinila ko ang tali ni Sebastian at tinapik ang gilid nito para magsimula ng maglakad.
Huminto ako ng tapat na kami ni Kuya Jack. Ramdam ko ang titig ni Emil sa akin. Mas lalong nagpakabog ng dibdib ko iyon. Hindi tuloy ako lalo makatingin sa kanya. Nahihiya din ako sa ginawang pagsita ni Kuya Jack.
"Mauna na kami. Sumunod ka na lang," si Kuya Jack sabay sinenyasan ako na umalis na doon. Sumunod ako sa kanya. Iniwan si Emil na tinatanaw kaming papalayo sa kwadra.
Pagdating sa lawa ay kanya-kanya ng ligo ang mga pinsan ko. Naghubad ako ng damit. Pulang two-piece bikini ang aking suot. May pinagawang banyo sa lawa. Doon namin iniiwan din ang mga damit. Lima na cubicle kaya kung magbibihis pwedeng sabay-sabay na. Pinapauna lang nila ako bilang respeto. Ako mag-isa ang sa banyo. Pagkatapos tsaka sila sabay-sabay na papasok.
Nilugay ko ang mahaba at kulay brown na buhok. Inayos ko ang string ng aking bikini. Maganda ang hubog ng aking katawan. Thanks to my genes, though. Malulusog na dibdib at puwitan, maliit na beywang at puting-puti ang balat. Kitang-kita nag freckles sa aking pisngi at dibdib.
Lumabas ako sa banyo. Nagulat ako na naroon na si Emil. Kadarating lang at nakasakay pa sa kabayo. Bitbit ang itim na bag na may lamang pamalit ni Kuya Charles. Parang bigla kong gustong pumasok sa banyo kaso nakita niya na ako. Agad din naman ang pagbaling nito sa ibang direksyon na parang wala lang ako.
Medyo sinipa ang dibdib ko ng pagkabigo sa hindi ko malamang dahilan. Naglakad ako at wala na sana ding balak na pansinin siya dahil hindi din naman niya ako binati.
Nahagip ng mata ko ang pagbaba nito sa kabayo.
"Senyorita..." tawag niya kaya napalingon na ako.
"Ilalapag ko na lang ba ito dito?" tanong ni Emil. Diretso sa mga mata ko ang tingin.
Hindi ako sumagot. Lumapit ako sa kanya. Nakita ko ang pagkibot ng kilay nito at pagkailang.
"Akina," sabi ko sabay kuha ng bag sa kamay niya.
Nahuli ko ang paglunok nito bago ko siya tinalikuran. Para akong nakalutang habang naglalakad. Kailan pa naging big deal sa akin ang hindi pansinin? Bakit parang ine-expect ko na dapat makikita ko sa mga mata niya ang paghanga pero wala akong makita? At bakit ko naman iniisip 'yon?
Masisiraan ata ako ng bait sa kanya. Siguro dapat na hindi na lang magtagpo ang landas naming dalawa. Hindi ako makakaramdam ng kung ano-ano sa tiyan at parang nawawala pa sa sarili. Hindi ko ito gusto. Mali ito. Mali.