KABANATA 18:
NAKATINGIN ako kay Emil habang naglalakad ito palapit sa amin. Bitbit ang kabayo na ginagamit nila para sa guest. Hindi ko na inabala na gamitin si Alexandra o si Sebastian dahil babalik pa kami sa Hacienda. May bakante naman daw na isa kaya hiniram ko na muna.
“Magandang hapon, Mayor,” bati niya kay Philip.
“Magandang hapon din, Emil.” Lumapit si Philip sa kay Emil at tinapik ito sa braso.
“Pasensya na pala sa pinsan ko kahapon. Nahimasmasan din ngayon.” Naiiling na sabi ni Philip.
Nanatiling tahimik si Emil at tumango na lang. Napatingin siya sa akin at lumapit para maibigay ang tali.
“Pahirap muna nito. Babalik ko mamaya,” sambit ko at inabot ang tali ng kabayo mula sa kay Emil.
“Sigurado ka bang ito gagamitin mo?” tanong niya sa akin.
Lumapit si Philip sa amin habang nakapamulsa.
“Saglit lang naman kami—“
Hindi ako natuloy sa pagsasalita ng lumapit ang isang staff at nag-aalinlangan pa kung sisingit ba sa amin kaya lang nakita ko na kaya pinagbigyan ko na lang.
“Bakit?”
“Si Emil po sana, Maam.” Simulyap ito kay Emil. Kumunot ang noo ko. Anong mayroon?
“Bakit nga?” walang pasensya kong tanong. Binitiwan ko ang tali ng kabayo at inayos ang riding helmet dahil nalilihis.
“May bagong dating po kasi na guests. Tatlo po. Eh, nagmamadali at gusto na mangabayo. Lahat po kasi gamit pa.” Nahihiyang pag-amin ng lalaking trabahador.
Nagsalubong ang kilay ko.
“Bakit hindi niyo kaya sabihin na mag-antay?” Humalukipkip na ako at naiinis dahil sa mga guest na palaging nagmamadali. Pero alam ko naman na dapat priority sila. May panahon na nakakapikon talaga dahil nga sa guest sila kaya lahat ng gusto ayos lang.
“Eh kasi, Maam… magkakapatid po na Soledad ang nandoon.”
Napapikit ako ng mariin. Kaya naman pala. Feeling entitled at ayaw mag-antay. Yung mga hambog na magkakapatid ang nariyan. Mga anak ni Congressman. Ang isa doon ay nanligaw sa akin noon pero binasted ko dahil nga mayabang.
Inis akong dumilat.
“Ihatid mo na nga ‘yang kabayo. Isaksak mo kamo sa baga nila. Kukunin ko si Alexandra,” sabi ko sabay hinuhubad na ang suot na riding helmet at kinuha ang cellphone para tawagin ang driver dahil magpapahatid ako sa kwadra.
“Sinong Soledad? Anak ni Congressman Soledad?” tanong ni Philip.
Tumango ako pero may bahid ng inis pa din ang aking mukha. Ayokong makipag-usap sa magkakapatid na ‘yon at ayoko din na manggulo sila kaya binigay ko na ang isang kabayo. Bahala sila magsalitan. Alam ko naman na gusto lang nila manginis at pinapalabas lang ako para makausap.
Pinagmamasdan ko si Emil na binabalik ang kabayo sa kasama. Tumawag ako sa driver para sabihin magpapahatid ako. Matapos ibaba ang tawag ay kinausap ko si Philip.
“Dito ka lang. Kukunin ko ang kabayo. Dalawa ang dadalhin ko para mamaya pag-uwi natin tig-isa tayo. Don’t worry mabait iyong ibibigay ko sayo. Sumusunod sa akin ‘yon kasi alaga ko,” sabi ko sa kanya.
“Sinong kasama mo? Dalawang kabayo ang bitbit mo pabalik.”
“Ako na, Mayor,” sagot ni Emil kaya napalingon kaming dalawa sa kanya.
“Oo nga, ano. Marunong ka nga pala. Bueno, dito lang ako. Antayin ko kayo. Makipag-uusap muna ako sa mga pamilyang nandoon.” Turo ni Philip sa mga nagpi-picnic sa kabilang side. Puro magpa-pamilya.
Sanay naman siya sa ganoon. Nakipag-uusap sa maraming tao. Ayoko na siyang isama sa kwadra dahil hindi din naman siya marunong pa mangabayo. Ang plano ko lang paguwi na mamaya. Iyong naturuan ko na. Kahit lakad na dahan-dahan lang na siya mag-isa. Alam ko kaya niya iyon. Imposible namang hindi siya nakapangabayo sa Tagaytay o sa Baguio. Ang pagpapatakbo ang ituturo ko mamaya kaya iba iyon.
Hindi ako tumutol sa pagpiprisinta ni Emil. Nakaramdam pa nga ko ng excitement dahil mag-so-solo ulit kami. Makapag-uusap.
Inantay ko munang may makausap si Philip bago kami umalis. Tahimik lang si Emil habang nakasunod sa amin. Sumakay kami sa golf cart at nagpahatid sa Clubhouse. Pagdating doon ay sumakay kami sa SUV.
Inalalayan ako ni Emil pagbaba sa sasakyan. Ang gaspang ng kamay niya at matigas. Halatang maraming pinagdaanan ang palad nito. Noon pa sabak na sa trabaho. Malaki at sakop na sakop ang akin. Hindi ako makapaniwala na simpleng pagdaop ng palad ay naging big deal na sa akin.
Nakagat ko ang ibabang labi para matago ang pag-ngiti. Para akong teenager na kinikilig dahil kasama ang crush at katabi. Pilit kong kinalm ang sarili. Mahirap na at baka makita ako ni Lolo sa reaksyon ko. Lagot na.
Tahimik kami habang naglalakad patungo sa kwadra. Nagpapakiramdaman. Para akong naglalakad na may paru-paro sa tiyan.
“Sa lawa ba kayo mangangabayo ni Mayor?” kalaunan ay tanong ni Emil.
Nilingon ko siya at tumango. Bakas sa mukha nito na may gustong itanong pero nag-aalinlangan naman.
Huminto ako at hinarap siya. Hindi ako mapakali gayong alam kong may iniisip siyang kakaiba. Sumilip muna ako sa Mansion. Sa gilid naman kami at medyo malayo sa Mansion kaya lang natatanaw pa din naman ang pwesto namin. Nang masigurong walang nakatingin ay bumaling ulit ako sa kanya.
“Bakit, Emil?” tanong ko at tinagilid ang ulo habang pinagmamasdan siya.
Napanguso ito at pinasadahan ng daliri ang humahaba na nitong buhok.
“Duon ba sa kabila? Sa pribado?” tanong nito at hindi makatingin sa akin. Napalunok nito kaya napasulyap ako sa adam’s apple nitong nagtaas-baba na.
Tumango ako ulit. “Oo…” mahina kong sambit.
Tumayo ako ng diretso. Nagsalubong ang kilay ni Emil. Kumalabog ang dibdib ko sa tanong at reaksyon niya.
“M-magtatagal ba… kayo?” tila hirap nitong sabi.
Tinalikuran ko siya at naglakad. Naramdaman ko ang pagsunod nito sa akin.
“Depende…” pabitin kong sabi. Nakagat ko ang ibabang labi. Huminga ako ng malalim para ikalma ang sarili.
Emil, nasa dulo na ng dila mo ang gusto mong sabihin.
Hindi ko na siya narinig na nagsalita pero ramdam ko ang mabibigat nitong paghinga. Tahimik kami hanggang sa makarating sa kwadra. Ako ang kukuha ng kabayo ko dahil noon pa man ayoko ng hahawakan ng iba.
Pero ngayon nag-iiba na din iyon. Malayo na kami sa Mansion at natabunan na ng mga puno kaya hindi makita ang kwadra. Naunang pumasok si Emil. Sumunod ako. Binuksan nito ang pinto ng kay Alexandra at inantay muna ako bago tuluyang luwagan iyon. Hinawakan ko ang tali at iginaya sa labas.
“Alexandra, dito ka lang. Kulunin ko si Sebastian,” parang timang na utos ko sa kabayo. Hinimas-himas ko ang ulo nito bago tinalikuran at pumasok sa loob.
Binuksan na ni Emil ang sa kay Sebastian. Ngumiti ako. Hindi ko alam pero magaan ang puso ko. Parang may nag-uudyok sa akin na hayaan na lang si Emil na galawain ang mga kabayo ko. Panatag at may tiwala ako sa kanya. Nawala ang arte sa katawan ko simula ng nakilala ko siya.
“Sige, ikaw na maglabas.”
Napataas ang kilay nito. Hindi makapaniwala na pinapayagan ko siya na hawakan ang kabayo ko. Wala itong sinabi pero tahimik lang niya din akong sinunod.
Nauna na itong lumabas at sumunod ako.
“Emil…” tawag ko sa kanya kaso hindi ito lumilingon. Abala sa pagtingin sa kay Sebastian.
Kumunot ang noo ko. Anong problema niya?
“Emil, bakit?” may bahid ng pag-aalala ang boses ko. Ito ang unang pagkakataon na tatawagin ko siya na mukha pa akong concern. Lumapit ako sa kanya. Tiim pa din ang bibig nito at ayaw magsalita.
“Ba’t parang galit ka? Nag-uusap naman tayo kanina, ah?” Dinungaw ko siya. Abala ito sa paghaplos sa ulo ni Sebastian.
Unti-unti nagsalubong ang kilay ni Emil na pra bang may naalala. Wala sa sariling napahawak ako sa braso nito. Mabilis ko ding tinanggal dahil nagulat ako sa tila kuryenteng dumaloy sa aking katawan ng hawakan ko siya.
Napatingin siya sa akin. Aburido pa din sa hindi ko malamang dahilan. Bakit ganoon? Nasaan ang hustisya? Kahit anong ekspresyon niya gustong-gusto ko pa din.
Umawang ang bibig ko sa mariing titig niya sa akin. Para niya akong kakainin ng buhay. Bumilis ang pintig ng puso ko. Ganunpaman, hindi ko matanggal ang mga mata ko sa kanya. Para akong nahihipnotismo.
Nasaksihan ko ang pagbaba ng mga mata nito sa aking labi. Nagtagal ng ilang segundi bago ibinalik ang mga tingin sa aking mga mata. Nanigas ako sa kinatatayuan.
Binitiwan ni Emil ang tali ng kabayo at lumapit sa akin. Mas lalong naghurumentado ang dibdib ko. Nayanig muli ang sistema ko. Sa sobrang titig niya at lapit ay naduduling ako. Namimigat ang talukap ng aking mga mata at para akong may inaasam na isang bagay.
Isang bagay na tanging si Emil lang ang makakapagbigay.
Bumagsak ulit ang paningin nito sa aking labi. Napalunok ako. Kinakapos ako ng hininga. Binalik niya ang tingin sa aking mata.
“Huwag mo kong tignan ng ganyan, Senyorita…” namamaos nitong sabi.
Bakit maging ang boses niya ay nakaka-akit sa aking pandinig?
“E-emil…” tawag ko sa kanya. Hirap pa akong maitawid iyon.
Dinikit ni Emil ang noo niya sa akin. Naramdaman ko ang mga palad nito sa magkabila kong pisngi. Agad ang pagtaas ng lebel ng pagnanasa sa aking katawan. Nagsisimula akong mag-init!
Napapikit ako ng halos ilang dangkal na lang ang labi niya sa akin. Mariin kong kinuyom ang mga kamao. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga at ang ilong na kumikiskis sa tungki din ng aking ilong.
“Patawarin mo ko, Senyor—“
Hindi ko na siya pinatapos. Mababaliw na ko sa aking nararamdaman. Pinatakan konsiya ng halik sa labi. Hindi pa ko nakakalayo ng kaunti ng sinunggaban niya na ako ng halik!
Halik na puno ng sabik. Nagmamadali. Marubdob at nakakabaliw.
Nawala ako sa sarili. Lahat ng mga bagay na pumipigil sa akin para magustuhan ko si Emil ay parang natapon na lang lahat sa labas ng bintana. Nawalang bigla. Hindi ko na inintindi.
Ang mahalaga sa akin ay ang ngayon. Ang sarap niyang humalik!
Siya ang unang kong halik. Hindi ko iyon pinagsisihan. Sa sobrang galing niya nakalimutan ko na nga kung nasaan kami at ano ang pakay namin sa kwadra.
Kinawit ko ang dalawang kamay ko sa leeg nito. Pakiramdam ko mawawalan ako ng balanse dahil sa mariing halik ni Emil. Ayaw niyang pakawalan ang mga labi ko. Puno iyon ng pangigigil.
Aminado ako. Hindi ako marunong pero dahil sa kanya. Sa isang halik lang natuto ako. Ganoon siya kagaling.
Umungol si Emil ng ibinuka ko ang aking bibig para makapasok ang mapanghamong dila nito sa aking bibig. Hinapit niya ako sa beywang para ilapit din sa kanya.
Mapanukso nitong hinahamon ang dila ko. Panay taas baba ng palad ni Emil sa aking beywang. Para bang nang-aakit. Mas lalo akong nakaramdam ng kiliti sa aking tagiliran. Umungol ulit si Emil at pinisil ang aking beywang dahil ayokong patulan ang dila niya. Napangiti ako habang sinasabayan ang mga halik niya.
“H-huwag mo kong asarin…” namamaos nitong sabi nito sa pagitan ng aming halik.
Ngumisi ako. Nagpatuloy sa paghimas ng beywang ko si Emil. Alam kong pareho na kaming turn on ngayon at hindi ko alam saan kami madadala ng halik na ito.
Sumubok si Emil ulit na ipasok ang dila sa aking bibig. Sa pagkakataong iyon ay sinabayan ko siya sa gusto nito. Napaungol si Emil. Ginanahan ako lalo at ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Sinipsip ni Emil ang dila ko. Pagkatapos ay pinakawalan din. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ulit ng malalim.
His tongue explores inside my mouth. Tila ba walang balak palampasin ang pagkakataon. Hindi ako nagreklamo. Mas gusto ko pa ang ginagawa niya. Halos magdugo na ata ang labi ko sa paraan ng paghalik niya. Sinisipsip niya din kasi iyon.
“Ahhh… tangina!” namamaos nitong sabi. Pinakawalan ang labi ko. Tinignan ako ni Emil na namumungay ang mga mata.
“Gusto kita. Gustong-gusto kita. Tangina, bahala na!” anito at sinunggaban ako ulit ng malalim at mainit na halik sa labi.
Lumundag ang puso ko sa tuwa. Nanlalambot ang tuhod ko at pakiramdam ko nga ay bibigay iyon anumang oras. Matapos ang ilang segundo ay kumalma si Emil. Pinatakan niya ng paulit-ulit ang aking labi.
“Patawarin ako ni Senyor sa nagawa ko pero hindi ko ito pagsisihan dahil GUSTONG-GUSTO kita,” pag-amin nito.
Napanguso ako at namula ang magkabilang pisngi. Hindi ko masabi sa kanya na gusto ko din siya. Nahihiya ako at naisip ko na kung sasabihin ko iyon. Ano nang mangyayari? Kami na ba? Hindi pwede.
Hindi dahil marami ang tututol. Sa huli, maghihiwalay din kami. Pero…
Gusto ko din siya. Gusto ko din ‘to. Mahihirapan ata akong tumigil. Ayoko.
“Hindi mo kailangan sagutin ang sinabi ko, Senyorita. Masaya na ako na kasama kita at maluwag na ang dibdib ko dahil nagawa ko ng aminin ito sa’yo…” namamaos nitong sabi. Napapikit ako sa pagpatak niya ng halik sa aking labi.