Nang mapansin na dala pa rin nito ang cotton candy, mabilis nito iyon nilabas mula sa loob ng transparent na cellophane. "Look, Rael, oh? Share tayo?" Nakangiti nitong nilahad ang candy na hugis-puso at may kaunting kalakihan. Kung siya ang titingin, halos magkakulay na ang cotton candy at ang pisngi ng babae. Ganoon kapula ang mukha nito. Ngumiti siya sa babae bago tumango. Nahihiya nitong nilapit ang mukha at kumagat sa cotton candy. Siya man ay lumapit na rin doon saka nagsimulang kumain. Habang ngumunguya, nagagawa niyang mapagmasdan mabuti ang dalawang pares ng magagandang mga mata ni Dahlia. Natatabunan ng cotton candy ang kalahati ng mukha nito dahil abala rin ito sa pagkain. Nanatili pa silang ganoon sa loob nang ilang minuto bago nangalahati sa pagkain ng cotton candy. Dahil