Chapter Twenty-six

1426 Words

"KAPAG nanalo ka, sa iyo ang ulo ko." Natigilan ang lalaki at napatitig sa kaniya nang matagal. Bakas ang pagkabigla sa mukha nito maging sa mukha ng mga kasamahan nito sa paligid. Narinig naman niyang napasinghap si Dahlia dahil sa sinabi niya. Makaraan ang ilang sandali, sumilay ang nang-uuyam na ngiti sa mga labi ng lalaking si Baldo. "Masiyado kang matapang. Tingnan na lang natin kung magmamatapang ka pa oras na nasa akin na ang ulo mo." Sinenyasan nito ang lalaking may hawak ng basong may laman ng dice. Lumapit siya sa lamesa nang makitang umupo na si Baldo. Nanatili naman sa likuran nito ang dalawa pang kasamahan nito. Mabilis na lumapit sa kaniya si Dahlia at hinawakan siya sa braso. "Are you sure about this?" Ngumiti siya habang nakatingin sa mukha ng lalaking nakangisi sa kan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD