Sandaling nag-usap sina Butler Jose at Miss Jiya bago bumaling ang mga ito sa kaniya. Hindi siya kumilos, ni hindi siya nagsalita. Laman pa rin ng isip niya ang mga nasaksihan kanina. Nakita niyang umalis na si Miss Jiya habang si Butler Jose ay nilapitan siya. "Sumunod ka sa akin." Hindi pa rin siya nagsalita kahit na tumalikod na ito. Huminga siya nang malalim at sandali pang nag-isip. Makalipas ang ilang sandali, nagdesisiyon siyang sumunod na sa lalaki. Pakiramdam niya ay nasa ibang bansa siya. Hindi siya sanay na makasaksi nang bagay na katulad sa nakita kanina. Mula sa lobby ng mansiyon, pumasok sila sa isang pasilyo na hindi pa niya napupuntahan. Sa dulo nito ay may pintuan na nang mabuksan nila at makapasok siya, bahagya pa siyang natigilan sa nakita. "Ito ang surveillance room