MATAGAL na natulala si Rael nang marinig ang sinabi ni Dahlia. Hindi nito inasahan ang mga salitang lumabas sa kaniyang bibig, maging siya ay ganoon din. Natatakot siyang makita ang magiging reaksiyon nito, kaya sa halip na tingnan ang lalaki, pinili niyang magbaba ng mukha at mariing pumikit. Malakas ang kabog ng dibdib. Halos mabingi na siya sa lakas ng tambol niyon. Hinihintay niyang umalis si Rael sa loob ng kuwarto niya, subalit ilang minuto na ang lumilipas ay nananatili pa rin ito sa kaniyang harap. Walang ibang ginagawa kundi ang tutukan siya ng tingin. Nang hindi na niya makayanan ang kaba at takot na nararamdaman, humugot siya ng hangin at mariing kinagat ang ibabang labi. Malakas niyang pinalis ang kamay nitong nakaharang sa kanan niya at mabilis na tumakbo patungo sa loob ng