"Personal bodyguard ako ni Dahlia. Kung may ipapagawa ka, mag-utos ka sa iba. Si Dahlia lang ang may karapatang magbigay ng utos sa akin." Hindi na niya hinintay na makapagsalita ang babae. Mabilis niya itong tinalikuran at nagmamadaling sumunod kina Sanchez at Dahlia. Patungo na siya sa harap ng mansiyon nang bigla siyang matigilan nang matanaw na nag-uusap ang dalawa. Sa pakiwari niya ay seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Kumuyom ang mga kamao niya. Hindi niya matukoy kung bakit sobrang apektado siyang makita ang dalawa. Samantala, huminto sa pagtakbo si Dahlia sa harap ng mansiyon at bumubuntong-hiningang nagbaba ng tingin. Makikita ang lungkot sa mga mata at mukha niya. "Dahlia, okay lang po ba kayo?" Nang marinig ang baritonong boses ng lalaki sa likuran niya, pinilit niyang l