ILANG ulit kumatok si Rael sa pinto ng library bago tuluyang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob. Mabilis pa siyang natigilan nang makita si Butler Jose sa loob sa halip na si Don Devid. "Rael, mabuti at nandito ka na. May mahalaga akong sasabihin." Nagpakawala siya ng buntong-hininga bago tuluyang lumapit dito. Nasa harap ito ng desk table ni Don Devid at may inaayos na mga papel at ilang brown folder sa ibabaw. "Akala ko, si Don Devid ang makikipag-usap sa akin." Bahagya itong tumango. "Kagabi pa wala si Don Devid. Kinailangan niyang umalis para sa emergency business trip sa labas ng bansa." Bigla siyang natigilan sa narinig. Wala man lang siyang kaalam-alam na umalis pala kagabi si Don Devid dahil nasa labas sila ni Dahlia. Nang makauwi naman ay naging abala sila sa loob ng ku