"The more reason why you need to learn how to fight. Hindi mo na lang amo si Dahlia. She's now your woman." Binalingan ng lalaki ang mga screen bago may pinindot sa mga button. Makalipas lang ang ilang sandali, burado na ang kuha ng paglabas niya sa silid ni Dahlia kaninang madaling araw. Maging ang kuha nila habang tumatakas ay binura na rin ng binata. "Sasabihin ko sa iyo ang schedule kung kailan ako ang nakatoka sa mga camera at kung kailan hindi. Mag-iingat ka dahil mainit ang mata ni Butler Jose sa iyo." Tumango siya sa mga sinabi nito. Hindi naman lingid sa kaniya na hindi siya pinagkatitiwalaan ni Butler Jose. Alam na niya ang tungkol sa bagay na iyon. Tuluyan siyang nagpaalam kay Sanchez at nagsimulang maglakad palabas ng mansiyon. Lalo niyang binilisan ang paghakbang nang ma