Chapter Sixteen |2|

1228 Words

Bahagya siyang tumango sa babae. Kung ganoon, kanina pa ito sa kuwarto ni Dahlia? Mukhang naroon na ito bago pa man siya dumating. "May sakit si Princess. Inaapoy siya ng lagnat mula pa kaninang madaling araw." "Inaapoy siya ng lagnat? A-ayos na ba ang lagay niya?" Hindi niya mapigilan ang hindi mag-aalala para dito. Kagabi lang ay okay naman ito, bakit bigla itong nilagnat? Mahinang tumawa si Miss Jiya bago muling tumango. "Oo. Medyo mabuti na ang lagay niya. Iyon nga lang, mainit pa rin talaga siya. Hindi ko alam kung bakit biglang nilagnat ang batang iyan. Hindi naman siya naulanan, hindi rin masiyadong malamig kagabi. Kung hindi nasobrahan sa pagod, baka may ikinagulat kaya nagkaganiyan. Kukuha muna ako ng pagkain para sa kaniya, huh?" Agad siyang nagbigay ng daan dito bago binalin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD