Chapter Sixteen

1202 Words

NAGMAMADALING hinablot ni Rael mula sa headboard ng kama ang puting tuwalya saka iyon pinulupot sa ibaba niya. Nang muli niyang balingan ng tingin si Dahlia, nakaupo na ito ngunit hindi sumasayad ang puwet sa sahig. Nakatakip ang dalawang kamay sa magkabilang tainga at mariin na nakapikit. Mabilis ang mga hakbang, nilapitan niya ang dalaga at hinawakan sa kamay upang patayuin. Natigilan siya nang makitang pulang-pula ang mukha nito. Para na namang pulang kamatis. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Sa halip na sumagot, mataman siyang tinitigan ni Dahlia. Lalong namula ang buong mukha nito at unti-unting namasa ang gilid ng mga mata. "Dahlia, ano sabi ang ginagawa mo rito? May kailangan ka ba? May problema? S-sandali, bakit umiiyak ka?" Tuluyang nalukot ang mukha nito nang mag-umpisang tumulo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD