MAHIGPIT ang pagkakahawak niya sa kamay ni Dahlia nang hilahin niya ito palabas ng club at isinakay sa taxi. Namumungay ang mga mata ng dalaga, namumula ang pisngi at tila lutang ito habang lulan sila ng sasakyan. Binawi niya ang pagkakatingin sa babae at napapalunok na ibinaling sa labas ang mga mata. Bahagya niyang kinagat ang ibabang labi nang maalala ang ginawa nila kanina ni Dahlia. Lihim siyang napangiti. Mukhang virgin pa ang mga labi ng babae sa paraan ng paghalik. Maliban sa malambot at matamis ang mga labi nito, wala na itong ibang ginawa kundi idikit ang mga labi nito sa labi niya. Mukhang hindi ito marunong humalik. Natigilan siya sa pag-iisip nang makaramdam ng dalawang pares ng mga mata na nakatingin sa kaniya. Nang lingunin niya si Dahlia, napapitlag siya sa gulat nang m