Nakahawak sa kamay niya si Dahlia ngunit nang makitang mabubunggo nito ang isang lalaki ay agad niyang hinila ang kamay nito. Nabunggo pa ito sa malapad niyang dibdib sa lakas ng pagkakahila niya. Nasa gitna na sila ng mga tao nang mga oras na iyon. Nakatingala sa kaniya ang babae at nakasilay ang ngiti sa mga labi. Nagsimula itong sumayaw. Walang pakialam nitong ginalaw ang mga kamay at katawan na tila ba sanay na sanay itong gawin iyon. Pinulupot niya ang braso niya sa baywang nito at binulungan ito, "Bakit parang hindi mo ito first time?" Mahinang tumawa ang dalaga. "Napapanood ko ito sa mga Hollywood movies! Nakaka-excite! Ang saya rito!" Umindayog ito nang umindayog at tila walang pakialam sa paligid nila. Habang pinagmamasdan ang babae ay tuluyan na siyang napatigil sa bahagyang