Muli nitong binalingan si Paislee na abala sa pagpipitas ng bulaklak. Malamlam ang mga matang pinanood nito sa ginagawa ang nakatatandang kapatid. "Ano kasi... si Ate, magkaiba kami ng mama. A-ang totoo niyan, hindi ko alam kung ano ang totoong dahilan, pero kilala ko na si Ate noon pa. Hindi lang talaga niya kinilalang ama ang papa namin. Ganoon din si Papa sa kaniya, pero nagulat ako nang isang araw, sinabi ni Papa na makakasama na namin si Ate sa mansiyon. Sabi pa niya, bibigyan niya ng trabaho si Ate sa kompanya." Mula sa mukha ng dalaga, muli niyang binalingan ng tingin sina Paislee at Sanchez nang marinig na nagtatawanan ang mga ito. Nakita niya ang malaking ngiti sa mukha ng babae habang nakatunghay ito sa nakaluhod na si Sanchez. Patuloy sa pagpitas ng mga bulaklak ang lalaki. N