Chapter 3

619 Words
Chapter 3: Catch { YAMI's POV } *KRING!* Napamulat ako ng marinig kong nag-iingay na yung alarm clock ko. 6:00 AM na pala. Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals ko. Pagkababa ko ay nadatnan ko si tita at insan. Si tita ay naghahanda sa lamesa at si insan naman ay naka-upo na sa upuan para siguro kumain. "Oh, ayos ka na rin pala pamangks! Tara na't kumain ka na. Sumabay ka na samin. Para sabay narin kayong kumain nitong si Jamie." Sabi ni tita sakin ng makita nya ako. Inaya rin naman ako ni insan na umupo na sa tabi ng upuan nya. I'm really blessed because of them. Siguro kung hindi dahil sa kanila ay wala na ako ngayon sa mundong ito. "Salamat po tita, insan. Maraming salamat po sa lahat." Nakangiti kong sabi at umupo na para kumain. "Ayan ka nanaman dyan sa pasalamat mo na yan eh! Ilang beses na ba naming sinabi ng tito mo na okay lang samin 'yun dahil hindi ka na iba samin. Pamangkin kita at kadugo. Kaya walang dahilan para ikaw ay aming ipagtabuyan. O sya, kain na at baka magka-iyakan pa tayo dito!" Natatawang sabi ni tita at sumalo na sa pagkain samin. Kumain kami ng maayos at pagkatapos ay umalis na para pumasok sa school. Magka-school mate lang kami ni Jamie pero hindi kami magkaklase. Hindi nga rin kami masyadong nakakapag-usap sa school dahil narin sa malayo ang agwat ng buildings namin at idagdag mo pa ang katotohanang lagi lang akong nasa library kapag vacant at lunch. Doon ako kumakain sa library. ******FORD UNIVERSITY****** Nang makapasok na kami sa loob ng gate ay naghiwalay na kami ng daan. "Bye insan!" Sabi nya sakin at kumaway bago ipagpatuloy ang paglalakad. "Bye din insan!" At naglakad narin ako papunta sa room ko. Habang naglalakad ako sa corridor ay pansin ko ang mga matang nakatingin sakin. Halos lahat ata ng estudyante sa akin nakatingin. Yung mga babae ay masama at pandidiri naman sa mga lalake. Anong problema? Wala naman akong natatandaang ginawang hindi maganda ha? Tyaka, wala namang nakakapansin sakin dito ha? Weird. Anong mga nakain nila at napansin nila? Wag mong sabihin na....aawayin nila ako? Mas binilisan ko pa ang lakad ko para makarating na agad sa room namin. Ayoko ng ganito. Ayoko ng may tumitingin sakin. At masama pa. First time lang 'tong nangyare. Nang makarating ako sa classroom namin ay yun na lamang ang laking gulat ko ng may nagkukumpulang tao sa labas na 'yun. O----kay? Anong meron? Mukhang napansin naman nila ako kaya nag-give away sila ng daan. Seriously? Keilan pa nila ako natutunang pansinin? Naiilang ako! Dahil nga sa naiilang na ako ay pumasok na ako sa loob pero bigla akong natisod at natapilok. Napapikit na lamang ako at hinantay ang pagbagsak ko sa sahig. One. Two. Three. ??? "Dapat kasi mag-iingat ka. Ayan tuloy, na-fall ka na agad sakin." Biglang napuno ng tilian ang buong classroom maski sa labas dahil sa nagsalita. Jusko. Sino yung nagsalita. At bakit parang...para sakin yung sinabi nya? Unti-unti kong dinilat ang nga mata ko at... Oh my...... Sino ang nilalang na ito? Natauhan lang ako ng inalalayan na nya akong tumayo. "Nice one bro!" -boy 1. "Wooohoo! Damoves! Hahah!" -boy 2. Napatingin naman ako sa mga nagsabi non at shet! Ang gwagwapo rin. Nakaupo sila sa upuan sa likod? Wait. Wala naman kaming kaklaseng ganun ha? Di naman namin kaklase 'yun ha? Hala! Baka mali ako ng room na napasukan! Tinignan ko yung mga kaklase kong nakangiti samin. Hola! Sila padin eh! "Hey baby. Let's seat na. Nakaka-agaw eksena na tayo." Napatingin ako ulit sa lalakeng sumalo sakin na nagsalita. Ang gwapo. O. M. G. Panaginip ba ito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD