Chapter 34: Tears Yami's Point of View HINDI ko alam ang gagawin ko. Hindi ako makasigaw. Nakatitig lamang ako sa katawan ni Walter na puno na ng dugo. And then the next I knew, nasa hospital na kami at nakahiga na si Walter sa kama. "Miss, kaano-ano po kayo ng pasyente?" Tanong ng isang doktor sa akin. "Girlfriend po." Wala na akong pakealam sa mga ginawa nila. Wala na akong pake kung sa isang bet lamang kami nagsimula. Ang mahalaga, minahal nya ako at minahal ko siya. "Malala ang naging damage sa katawan ng pasyente miss, nagkaroon ng bone fracture sa ilang parte ng kanyang katawan maski ang kanyang bungo, madami ding dugo ang nawala sa katawan nya kaya halos imposible na ding mailigtas sya namin. I'm sorry." Tila naging estatwa ako dahil sa narinig. "Anong imposibl