Chapter 12: Comrade

1031 Words
Chapter 12: Comrade  Jeila's POV "Okay lang 'yan, Jei-Jei, may Zaylee ka pa naman eh." animong pangungumbinsi sa'kin ni Rina with matching hagod pa sa likod ko. "Tigilan mo nga ako!" palag ko sabay hawi ng kamay niya. Nasa canteen kami ngayon, pumasok na kaagad ako kinabukasan dahil malas ako sa first day ko. Hindi naman na ako nagpaliwanag dahil aware ang mga teachers dito sa University tungkol sa naganap sa'kin. Ugh, I hate it. Masama pa rin ang tingin ko kina Yasser at Celestine na nagkukwentuhan at tumatawa pa. Humahampas pa si Celestine sa braso niya at lalong tumatawa, gusto niya pala ng kakaibang haplos, ah? Tara, sapakin kita with matching hagod my fist in your face! Asshole! Hindi ako nagseselos para sa kaalaman ng dalawa kong...uhmm..hindi kaibigan...kasama is the right word for them.  Diba dapat binabantayan niya ako dahil may traydor? Pero bakit nakikipag tawanan at mabutihan siya diyan? Sa bagay matagal na silang magkakilala at hindi ko alam kung ano ang namagitan sa kanila this past few years. Wala 'kong pake'lam! Lumingon sa'kin si Celes dahilan para lingunin din ako ni Yasser. "Jeila!" masaya niyang tawag saka tumayo sa upuan at lumapit sa'min. Narinig ko naman ang kunwaring pag ubo ng mga kasama ko kaya sinamaan ko sila ng tingin. "Hello, Rina and Zel! Can we join?" nakangiting tanong ni Celes sa kanilang dalawa kaya nag iwas ako ng tingin, pero sa minamalas ako ay napatingin naman ako kay Yasser na parang nagtataka pero inirapan ko lang siya. Naupo silang dalawa sa harapan namin, magkatabi pa rin sila. "Ano ganap sa inyo guys?" tanong ni Celes na excited sa pag uusapan namin. "Wala naman ate Celes, may kaibigan kasi kaming naiinlab na.." pagpaparinig ni Rina pero hindi naman ako kumibo. "Really? Who?" tanong ni Celes. "Hmm, baka magalit eh itago nalang natin siya sa codename na Ms. Cool," sagot ni Rina. "I'm sure she's a cool and brave women, then?" tanong ni Celes na parang kilala kung sino ang pinag uusapan namin. "May idea ako kung sino," singit naman ng tukmol na 'to sa harapan ko. Tinignan ko siya at tinignan niya rin ako pero nanatili ako sa seryosong itsura ko. "Talaga? Mind me telling who she is?" tanong ni Celes na humawak pa sa braso ni Yasser. "Nah. I don't think she'll likes that," pagtanggi ni Yasser saka binalingan ng tingin si Celes at pinisil ang ilong nito kaya papitlag si Celes. "Yiiie!" pang aasar ng mga nakakita. "Wooh! Bagay po kayo!" Sigaw ng isang punyeta. Kinuha ko ang inumin ko sa lamesa at ininom 'yon ng may poot at galit. "Ikaw kasi eh!" sigaw sa kaniya ni Celes at kinurot naman niya sa tagiliran si Yasser. "Kinikilig ka rin naman, eh." hirit naman ni Yasser saka kinurot ang dalawang pisngi ni Celes. Eh, kung ako kaya ang mangurot sa kanila? Iniwas ko ang paningin ko, this past few days hindi ko na maintindihan ang mga nararamadaman ko. Kung tatanongin ako ay ayoko nito, ayoko talaga dahil ayoko at hindi pa ako handa. Dahil yung unang lalaking minahal ko...trinaydor pa 'ko.. "Jei-jei!" "Oh?" kaagad kong tugon kahit medyo wala ako sa sarili ko. "Tulala ka na naman diyan!" Hindi ko sila pinansin at nagkwentuhan naman silang apat, parang hindi ako belong dito, ah? Tatayo na sana ako nang marinig ko ang tanong ni Rina sa dalawa. "Curious lang po ako ah? Kayo na po ba?" tanong niya at napatingin naman ako sa dalawa. "What made you think na may relasiyon---" "Mukha ba?" nakangising singit ni Yasser at parang may sumaksak naman sa puso ko. "So, meron po talaga!?" tanong ni Zel at tinignan pa talaga ako pero nanatili akong seryoso. "Hmm, meron ba?" tanong ni Yasser at hinarap si Celes habang matamis na nakangiti. "Ano ka ba! Baka kung ano ang isipin nila!" nahihiyang ani ni Celes. "Pero seriously, nagkaroon ako ng crush dito kay Celestine. Na amaze kasi ako dahil ang galing niya sa pakikipaglaban at humawak ng armas? Para sa'min kasing mga lalaki ay cool ang ganong babae---" Napatigil siya sa pagsasalita nang tumayo ako. Ayoko na, ayoko ng mga kakornihan niya tang*na. "Where are you goin---" "None of your business," sagot ko kay Celestine saka naglakad papalayo. Inaasahan kong hahabulin ako ni Yasser pero nagkamali ako. Tinignan ko ang likod ko at walang bakas niya kahit isa. Nakarating ako sa pinakadulong hallway at nasa dulo non ang malaking bintana. Kitang kita ko ang labas, lumapit ako don at tumingin. BRIIZZZZKKK! BRIIZZZZKKK!  Kinuha ko ang cellphone ko nang mag ring ito. Tawag galing sa labas. "Hello?" kaswal kong sagot. "Boss, may information na po kaming nahanap," sagot nito. "Good. Now, know more about her. I want to know every single details about her. Kahit walang kwenta basta kailangan alam ko, anyway magkita nalang tayo. Call me later for the place and good job Jefrey job well done," mahaba kong sabi. "Okay po, boss." "Okay," ani ko saka pinatay ang cellphone. Ngayon marami na rin akong alam sa'yong traydor ka, I know that's not enough but I'll make sure you'll suffer, dear. Nakaramdam at nakarinig ako ng mga yabag sa likuran ko kaya kaagad akong naalarma. Pero nang malanghap ko ang pamilyar niyang pabango ay nawala ang kaba ko. "Yasser," banggit ko sa pangalan niya pero nakatingin pa rin ako sa bintana. Naramdaman ko ang presensiya niya sa likod ko at napaiktad ako nang maramdaman ko ang mga kamay niya sa bewang ko. "W-what are you doing.." nanghihina kong tanong pero mas hinigpitan niya pa ang yakap sa bewang ko, wla akong nagawa kung hindi hayaan siya. "Are you mad?" tanong niya at nagtaasan naman ang balahibo ko nang maramdaman ko ang hininga niya sa tainga ko. "A-ano bang sinasabi mo?" pilit nagpapakaayos na tanong ko. "Kanina, while I was talking. You're staring at me and it seems like you're going to kill me, what's that reaction Jeila Frondalle? Tell me are you jealous?" tanong niya at hindi naman ako nakasagot. Ano bang sinasabi niya? Masama na bang magalit ng walang dahilan ngayon? Kung meron man ay hindi ko maintindihan ang sarili ko. "N-nothing," sagot ko at  saka inalis ang pagkakayakap niya sa bewang ko. "Chansing ka na," seryoso kunwari kong tugon na pilit itinatago ang nararamdaman ko. For this past few days siya ang kasama ko, kahit kasama namin si Zaylee, siya lagi ang napapansin ko. Naiinis ako, hindi sa nararamdaman ko, kung hindi dahil ang bilis ko laging mahulog. Yon ang ugali kong ayaw na ayaw ko. Ang mahulog sa taong hindi naman ako sigurado kung sineseryoso ba ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD