CHAPTER 1
“MAMA! Papa! Alis na po ako!” malakas kong paalam sa kanila, habang banat na banat ang aking labi.
Nakita ko ang pagtingin ni Mama sa wall clock namin. “Maaga pa, Lady, alas—nuwebe ng umaga ang pasok mo. Mag—a—alas siyete pa lamang.”
Ningitian ko na lamang siya. “May gagawin po kaming reporting, Ma! Kaya mauna na ako sa inyo! Ingat po kayo ni Papa sa paglalako ng isda at panindang gulay natin!” malakas kong sabi at lumabas na.
“Oo naman, anak! Ingat ka rin!” Nakita ko pa ang malaking ngiti na binigay ni Papa sa akin.
“Yes po, Pa!” Muli akong kumaway sa kanila at lumabas na sa bahay namin.
Sa likod bahay namin ay may pananim kaming gulay katulad ng kamatis, calamansin, siling green na mataba, talbos, malunggay at luya. Si Papa ang may tanim ng mga iyon.
“Hello, Lady Mae!”
Tumango lamang ako sa mga tumatawag sa akin. Hindi naman ako sikat sa Maravilla University, pero dahil sa pagbebenta ko ng kahit ano ay sumikat ang name ko lalo na sa building Information of Technology. Nag—aalok din kasi ako ng mga gulay namin sa kanila at maging ang mga hinahango nila Papa na isda sa pantalan.
Napabagal ang paglalakad ko nang makita ang kumpulan na mga babae, pinangungunahan iyon ni Venice, ang isa sa mga Queen Bee ng campus, marami kasi sila. Nawala na roon ang tingin ko at muling lumakad.
“Lady, may assignment ka?”
Napatigil ako sa pag lakad at tinignan si Amanda ang kaibigan at classmate ko. “Mangongopya ka na naman?” Naupo na ako sa silya ko at binigyan siya nang ngisi.
“Nakalimutan ko—”
“Nanood ka na naman ng KDrama series, ano?” putol ko sa kanyang sasabihin.
Nakita ko ang paninigas niya at napaiwas ng tingin sa akin. “Tama ako, ano? Kailan ka ba titino, ha? Second year na tayo ngayon, Amanda.” payo ko sa kanya.
“Sorry na talaga. Nakalimutan ko lang kasi... Ililibre kita!” Nakaluhod pa siya sa harapan ko ngayon."
Napailing ako sa kanya. “Oh, siya, last na itong pagpapakopya ko sa iyo, ha? Puro ka KDrama kasi, last na talaga ito. Hindi na ako maaawa sa iyo, okay?”
“Lady, nakakatakot niyang ngiti mo ngayon! I swear, this is the last!” Kinuha na niya ang notebook ko at naupo sa aking tabi. “Thanks talaga, Lady! Promise ililibre kita mamayang lunch! Oo nga pala, iyong kamatis ko? Binungangaan ako ni Mama na bumili ngg kamatis sa inyo dahil mura!” sabi niya habang mabilis na nagsusulat.
Mukhang kinahig na manok ang sulat niya.
“Dala ko. Akin na iyang 50 pesos mo, ha?” Singilin ko sa kanya at nilabas ang kamatis. “Bakit hindi na lang din kayo magtanim. Pʼwede ka namang magtanim nito sa paso, eh. And, hindi rin gaanong lumalaki ang halaman ng kamatis. You should try!” Inabot ko na iyon.
“Tamad ako. Tamad si Mama. Si Papa naman ay may pasok, tapos sina ate at kuya ko naman ay may asawa na, busy sa mga anak nila. Walang mag—aalaga, malalanta lamang iyon.”
“Masaya ba nang marami? Alam mo namang nag—iisa lamang ako.”
Napahinto siya sa pagsusulat at tinignan ako. “Um, depende, Lady. Minsan masaya, minsan bwisit din, lalo na sa pagkain.”
Napangiwi ako sa kanya. “Pero, masaya pa rin, right?” Tumango siya nang walang alinlangan.
“Teka, mamaya ka na makipag—usap sa akin. Need kong matapos itong homework natin! Bakit kasi ang hirap—hirap! Mamaya na rin Iyong 50, ha?”
Hindi na lamang ako nagsalita at hinayaan siyang magsulat. Ako naman ay binigay ang may order sa aking mga gulay, heto ang sideline ko rito, maging ang mga Professor ko. Pinapayagan naman nila ako dahil wala naman masama, marami rin namang gumagawa nito sa ibang building.
Nag—umpisa na ang first class namin, biglang hindi ako mapakali ngayon. Kanina pa gumagalaw ang mga paa ko at kumakabog nang malakas ang aking dibdib, sobrang lakas.
May bumangga sa aking siko kaya napatingin ako sa kanya, tinuro niya ang kanyang notebook, binasa ko ang nakasulat doon. “Hey, Lady, are you okay?” Nakita ko ang mga mata niyang nag—aalala.
Kinuha ko ang notebook niya at nagsulat doon. “Hindi ko alam. Bigla akong kinabahan, Amanda. Kaya hindi ko mahinto ang paa kong kumukulakoy.”
“Baka naman naiihi ka lang?”
Tinaasan ko siya ng aking kilay. Hindi pa rin kami nagpapahalata sa Professor namin.
“Hindi ako naiihi. Hindi ko alam kung bakit... Bigla na ring bumilis ang t***k ng puso ko. May sakit kaya ako?”
“Hala! Huwag kang magkaroon ng sakit, Lady! Malapit na ang exam, wala akong kokopyahan!”
Napailing ako sa kanya nang makita ko ang emoji na drinawing niya.
“Hindi naman ako mainit, okay?”
“Kahit na, Lady! Sasamahan pa rin kita mamaya sa clinic, ha? Para makasigurado tayo, Lady Mae! Huwag kang mamamatay!”
Kinurot ko ang kanyang braso at pinalakihan siya ng mga mata ko. “Baliw. Manahimik ka na at baka makita na tayo ni Prof.” Nilayo ko na ang notebook niya at nakinig na muli sa Professor namin. Baka tamang hinala lamang ako.
Nang matapos ang dalawang subject namin ay lalo akong kinabahan, palakas nang palakas ang t***k ng puso ko. Until I feel my phoneʼs vibrates. Kinuha ko agad iyon na nasa bag ko. Kunot—noong napatingin ako nang makitang unknown number ang tumatawag ngayon.
"Sino iyan, Lady?"
"Unknown number. Sasagutin ko ba?" Kinakabahan akong sumagot sa mga unknown number dahil sa mga scammer na naglilipana.
"You should answer it, Lady. Malay mo importante iyan, or, pʼwede namang sina tito and tita iyan, nakitawag lang sa iba."
Possible ngang ganoʼn ang mangyari.
Sinagot ko ang tawag. "Hello, sino po ito—"
"Heto po ba ang anak nina Mr. and Mrs. Nuez?"
"Um, y—yes po, ako nga po ang anak nila. Sino po ba ito? Ano po ang kailangan niyo sa akin?" Kinakabahan na ako.
"Lady, sino niyang kausap mo?"
Nagkibit—balikat ako sa kanyang tanong. "Hindi ko alam." I mouthed to her.
"Si SPO1 Calvin Lazaro ito. Nagkaroon ng aksidente sa intersection rito sa Barangay Mabunga, sangkot sa aksidente ang parents mo, sinugod na sila sa Lazaro Hospital."
Hindi ako makapagsalita sa aking narinig. "N—na-aksidente a—ang Mama at Papa ko? T—teka? A—ayos lang po ba sila?" Natataranta na ako. Napatayo ako at unti—unti nang tumutulo ang luha sa mga mata ko.
"Pumunta na lamang po kayo sa Lazaro Hospital, Miss Nuez. Pupunta rin ako roon pagkatapos kong imbestigahan ang aksidente rito sa intersection. Dalangin kong hindi sila tumawid sa kamatayan."
My heart beats faster.
"What? What do you mean?" Hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang ibaba na niya ang tawag.
"Lady, bakit umiiyak ka? Anong nangyari kina tita and tito?" Hinawakan ni Amanda ang kamay ko.
"N—na-aksidente sina Mama at Papa, d—doon sa intersection. I need to go. Kailangan ko silang puntahan sa Lazaro Hospital. Kinakabahan ako dahil sa sinabi ng pulis na nakausap ko... Dalangin niyang hindi tumawid sina Mama at Papa kay Kamatayan. M—mukha grabe ang tinahak nila!" Patuloy pa rin ang luha kong umaagos sa pisngi ko.
Hindi ko mapigilan.
"Wait, Lady! Sasamahan kita!" malakas niyang sabi, nakita ko sa mga mata niya ang pagiging seryoso.
"O—okay," sagot ko sa kanya.
"Guys, need naming umuwi ni Lady! Her parents are in Hospital kaya need namin puntahan sila! Pakisabi na lamang ay excuse kami, ha?" malakas na sabi ni Amanda.
"Oh my gosh! Praying for their fast recovery, Lady! Magdadasal kami para sa kanila!"
Ngumiti ako sa kanila. "T—thanks! I need to go!" mabilis kong sabi at mabilis na akong tumakbo palabas ng classroom kasama si Amanda.
"Donʼt be nervous, Lady. Kinakabahan din ako sa ginagawa mo ngayon. Relax ka lamang, ha?" Hinawakan ni Amanda ang kamay ko habang palabas kami sa campus.
Nakasakay na kami ng jeep papunta sa Lazaro Hospital. "What if maabutan ko silang patay—"
"Hoy, huwag mong sabihin niyan, Lady! Hindi mamamatay ang parents mo, okay? Stay strong. Malakas ang parents mo, Lady." Mahigpit na hinawakan niya ang aking kanang kamay.
Dumating na rin kami sa Lazaro University. Bumaba na kami at lumakad sa front desk to ask kung saan ang room ng parents ko. "Mr. and Mrs. Nuez po, saan ang room nila?" tanong ko sa kanila.
Tinignan nila ako, dalawang babaeng nurse. "Um, nasa emergency po sila ngayon—"
Hindi ko na sila pinatapos, tumakbo na ako nang marinig ko ang sinabi ng nurse sa akin.
"Wait, Lady!" Narinig ko ang pahabol ni Amanda, pero hindi ko na siya pinansin. Kailangan kong hanapin sina Mama at Papa.
I run papunta sa emergency room na sinasabi ni nurse kanina, nang makita ko iyon ay pumasok ako sa loob. Napalunok ako nang makita ang iilang mga tao na puro sugatan din na nakahiga.
"Marami bang na—aksidente sa intersection?" Narinig ko ang mahinang sinabi ni Amanda, nakatingin din siya sa paligid namin.
May nakita akong isang lalaki nasa middle 50ʼs ang age. Lumapit agad ako palapit sa kanya. "D—doctor, Mr. and Mrs. Nuez po? Nasaan po ang magulang ko? Ayos lang po ba sila?" pagtatanong ko sa kanya.
I saw his eyes shocked. "D—doctor, w—what happened to my Mama at Papa? N—nasaan po sila? Gusto ko silang makita." Nag—uumpisang manginig ang aking boses.
"Follow me," saad niya sa akin at binigay ang hawak niyang chart sa isang babae, wari ko ay nurse siya.
Lumabas kami sa emergency room. Tinignan niya ako sa aking mga mata. "You are the daughter of Mr. Leo Nuez and Mrs. Barbara Nuez?"
Tumango ako sa kanyang tanong. "Yes po. A—ano pong nangyari sa kanila? Nasaan po sila?"
I heard him sighed, sobrang lakas nuʼn. "Iʼm sorry, Ms. Nuez, ginawa na namin ang lahat but hindi na kinaya ni Mr. Nuez ang impact sa kanya at loss of blood na rin."
Nabingi ako. Parang may bumara sa aking tenga na halos wala na akong marinig, pero nararamdaman ko ang paghaplos ni Amanda sa aking likod.
"Lady Mae!"
Bumalik ang pagdinig ko at naramdaman ko na lamang ay ang pagtulo nang sunod-sunod ng aking luha.
"P—patay na ang Papa ko, A—Amanda!" malakas kong sabi na siyang kasabay nang malakas kong pag—iyak. Napaluhod na ako dahil hindi ko na kinaya.
"Again, Ms. Nuez, Iʼm sorry."
Iyon ang huling narinig ko sa kanya at nakita ko ang doctor na papalayo sa amin.
"Papa! Mama!"
Nakatingin sa amin ang lahat, pero wala akong pake sa kanila.
"Lady, be strong. Please, be strong. N—nalaman ko na kung saan naka—room si tita Barbara, Lady. Tara na? Puntahan natin ang Mama mo? Tinawagan ko na rin si Anne para papuntahin ang Mama niya at maging ang tita mo para maasikaso ang burol ni... Tito Leo."
I feel numb.
Bakit ngayon pa nangyari ito? Masaya lamang kanina, tapos heto na agad? Bakit si Papa ang namatay? Bakit?