CHAPTER 2

2250 Words
NAKAUPO ako rito sa labas ng morgue, heto ang unang pinuntahan namin dahil sinabi ng nurse na inaasikaso pa nila si Mama kaya hinayaan muna namin sila. Nakatingin ako sa pinto ng morgue, nanginginig ang aking buong katawan. Nanlalamig din ang aking balat. Wala akong maramdaman, manhid ako ngayon, pero ang magkabilang mata ko ay paulit—ulit na may nilalabas na tubig na dumadaloy sa aking magkabilang pisngi ngayon. “Lady, huwag ka na umiyak. Alam kong sobrang sakit pero be strong. K—kailangan ka pa ni tita Barbara, Lady.” Naririnig ko ang boses ni Amanda, gusto kong sundin ang sinabi niya pero, hindi sumusunod ang katawan ko. Para akong nawalan ng lakas nang marinig kong patay na si Papa. Ang daming naglalaro sa isipan ko. Ang daming tumatakbo. Sobrang saya pa namin kaninang umaga, kaya hindi ko inaasahan ang pangyayari na ito. Sobrang sakit na parang winasak nang paulit—ulit ang puso ko, nadurog, durog na durog. What if hindi naglako sina Mama at Papa ngayon? What if hindi agad sila napunta sa intersection? What if buhay pa si Papa at maayos ang lagay ni Mama? What if iyon ang nangyari? “L—Lady...” Pinunasan ni Amanda ang magkabilang pisngi ko. “H—huwag ka ng umiyak... N—naiiyak na rin ako dahil sa ginagawa mo ngayon. A—alam kong sobrang sakit mawalan ng magulang pero kayanin mo sana para kay tita Barbara, Lady. K—kung a—ayaw mo pang makita si tito Leo, puntahan muna natin si tita Barbara para malaman ang lagay niya.” sabi niya sa akin at umiiyak na rin siya. “A—Amanda... Bakit nangyari ito sa amin? Tatlo na nga lang kami, bakit kinuha pa niya agad si Papa sa amin? A—alam ko namang lahat ay papunta sa kamatayan, pero bakit napaaga si Papa? Wala siyang ginawang masama. Mabait ang Papa ko, Amanda. Matulungin siya. Wala siyang kaaway at higit sa lahat mabuti ang puso niya. Kaya, bakit siya pa? Kung ganoong maraming tao dʼyan na umaapaw ang kasalanan? Bakit ang Papa ko pa?” Nanginginig ang aking boses nang sabihin ko iyon sa kanya. Naglabas ako ng sama ng loob ko dahil sobrang sakit talaga sa puso ko ngayon. Sobrang sakit na sakit talaga. Niyakap niya ako nang mahigpit habang humihikbi na ako dahil sa tuloy—tuloy na pag—iyak ko. “L—Lady, a—alam naming lahat kung gaano kabait si tito Leo... Para ko na siyang pangalawang ama at sobrang proud din ako sa kanya. Kapag nasa inyo ako ay never ako nakaramdam na hindi part ng family ninyo, para na rin niya akong anak kasi inaanak niya ako. Si tito Leo na lang kaya nagbibigay ng pamasko sa akin kahit matanda na ako, Lady.” Tumango ako sa kanyang sinabi. Natawa ako sa kanyang sinabi. Naalala ko noong last christmas, binigyan siya ni Papa ng 500 pesos, sobrang tuwang—tuwa niya. “Kaya sobrang sakit din for me. Sa tanong mo kanina, kung bakit maaga kinuha si tito Leo. . . Siguro parang madagdagan ang mga Angel sa Langit, kumukonti na lang siguro sila roon dahil maraming masasama na namamatay. I—isipin na lang natin, Lady, n—na hindi na naramdaman ni tito Leo iyong pain na dapat maramdaman dahil sa nakuha niya aksidente. Kaya, Lady, magpakatatag ka, ha? Nandito ako for you. Huwag kang mawalan ng lakas ng loob at pananalig sa kanya. Mahal ka ni tito Leo.” Humihikbing sabi ni Amanda sa akin at lalo akong niyakap. Napahagulgol ako sa kanyang sinabi, hinayaan niya akong umiyak nang malakas. Wala na rin naman titingin sa amin dahil dalawa lamang kami rito sa hallway na ito. Napasinghot ako nang matapos akong umiyak. “Tissue? Nabili ko iyan sa restroom. . . Ayaw pang mahulog, sayang ang five pesos ko dapat kaya ayon binangga—bangga ko, mabuti na lang ako lamang ang tao sa restroom.” Kʼwento niya sa akin nang bigyan ako ng tissue. Napatawa ako dahil doon at suminga nang malakas, guminhawa rin ang aking ilong. “T—thanks, Amanda.” Suminga muli ako hanggang walang sipon akong maramdaman sa aking ilong. “K—kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Thank you dahil sumama ka sa akin.” sabi ko sa kanya. “Lady, best friend tayo since birth, isama natin si Anne kahit sa Lazaro University nag—aral ang gagang iyon. Iniwan tayo, hindi porket ubos na ang slot ng course niya sa Maravilla University. Dapat nag—IT na lang din siya, like us. Magaganda at matalino kaya ang mga nasa IT, oopps, matalino rin ako. . . Paminsan—minsan nga lang, madalas kasi ay hindi gumagana.” I laughed dahil sa sinabi niya. “Uy, tumatawa ka na, Lady. Ganyan dapat, kahit sobrang lungkot ng nangyayari ngayon, dapat maging masaya ka dahil ligtas pa rin si tita Barbara. May iniwan pa para sa iyo.” sabi niya sa akin. I nodded to her. “N—narealize ko rin na. . . Hindi magugustuhan ni Papa ang ginagawa ko kapag nakikita niya ako ngayon.” Napatingin ako sa paligid na waring hinahanap si Papa. “Gusto ko na siyang makita para sabihin ko sa kanya na tatanggapin ko ang pagkawala at para na rin hindi siya mag—alala sa amin ni Mama.” Gusto ko na talaga siyang makita at makausap. “Kung iyon ang gusto mo. Tara na?” tanong niya sa akin. “Oo nga pala, dumating na si tita Joli, at sina Mama at Papa. Nandoon na sila sa room ni tita Barbara.” Tumango ako sa kanya. “Mabuti ba ang lagay ni Mama?” tanong ko sa kanya. “Wala pang text na iba, Lady. Na—receive ko lang mula kay Papa ay nasa room na sila ni tita Barbara, nagtanong sila nurse station at tinuro sila roon. . . Puntahan na natin si tito Leo, para mapuntahan na rin natin si tita Barbara,” sagot niya sa akin. Lumakad na muli ako, binuksan ni Amanda ang pinto ng morgue at naramdaman ko ang lamig na bumabalot sa aking katawan. Sobrang lamig. Marami kaming nakitang stainless table, may mga naka—puting kumot doon at alam kong bangkay iyon. “Sino ang pinuntahan niyo?” Napahinto ako sa pagtingin sa paligid nang may magtanong sa amin, isang lalaki. “Um, M—Mister Leo Nuez po,” nanginginig kong sabi sa pangalan ni Papa. Leo Nuez. Ang pangalan ng Papa ko. “Sandali, hahanapin ko.” saad niya at lumakad, tinignan niya ang bawat katawan na nakatabing ng puting kumot. “M—marami po bang na—aksidente sa intersection po?” Nilakasan kong magtanong dahil kumakabog pa rin ang aking dibdib. “Nakikita niyo naman...” Tinignan niya ang paligid. “Ang daming mga katawan dito sa morgue, maraming namatay sa karambola kanina, mga Iha. May iba ay tumatawid lamang, nadamay. Halos lahat ng nakahiga rito ay mga bystander. Hindi talaga natin alam kung kailan tayo kukunin kaya dapat mag—ingat tayo kahit saan man tayo pumunta... Hindi nagsasalita si Kamatayan.” mahabang sabi niya sa amin. “Lady, ang creepy ni kuya,” bulong ni Amanda sa akin at kumapit na siya sa aking braso. “Nahanap ko na, Leo Nuez. Kaano—ano ba ito, Iha? Isa rin siya sa mga kasali sa karambola ng aksidente kanina.” Tinignan niya ako at nakita kong nasa dulo siya ng morgue. Napataas ang aking tingin at nilalabanan na naman ang luhang nagbabadyang mahulog sa aking mga mata. “Um, P—papa ko po,” mabilis kong sagot sa kanya. Wala na. Nahulog na naman ang mga luhang pinipigilan ko. “D—dalawa po silang kasali sa aksidente kanina sa intersection... Kasama po ang Mama ko, kuya, p—pero nakaligtas siya kay Kamatayan na tinutukoy niyo.” Kinagat ko ang aking ibabang labi at lumakad kung nasaan ang bangkay ng Papa ko. “Sorry, Iha. Sige, maiwan ko muna kayo rito.” Yumuko siya sa akin at nakita ko ang paglabas niya sa morgue. “B—bakit naman niya tayo iniwan, Lady? Puro bangkay ang nasa tabi natin—sorry. Alam mo namang takot ako sa multo, ʼdi ba?” Hindi na lamang ako sumagot at tinignan ang mukha ni Papa. “Oh my gosh, Lady! Mukhang grabe ang tinamo ni tito Leo.” Nakita ko ang pagkatulala ni Amanda sa katawan ni Papa. Nakita ko ang hindi pagkapantay ng mukha ni Papa. Ang daming sugat sa mukha, kamay, sa hita niya at sa katawan niya, naka—shorts na lamang kasi siya. “P—Papa!” malakas kong tawag sa kanya at niyakap ang kanyang katawan. Inalalayan ako ni Amadan habang walang habas akong umiyak at paulit—ulit kong tinawag ang pangalan niya. “Papa, bakit mo kami iniwan ni Mama? N—nangako ako sa inyo na i—aahon ko kayo sa hirap kahit anong mangyari! Ipapagawa ko iyong bahay natin... Gagawin kong third floor katulad ng pinapangarap mo, iyong mga napanood mo sa mga vlogger, ʼdi ba? Nangako rin akong hindi na kayo magta—trabaho once na grumaduate ako, pero bakit ganito, Pa? Bakit hindi mo hinintay iyong mga pangako ko sa inyo ni Mama! Pa, bumangon ka dʼyan! Hindi mo kami pʼwedeng iwan! Paano na ako? Paano na si Mama? Paniguradong hahanapin ka niya! Anong sasabihin ko?” Naiiyak na sabi ko habang pilit siyang pinapabangon. “L—Lady, t—tama na. Please, tama naman na. Naiiyak din ako sa pagkawala ni tito Leo. Pero, tatagan mo ang loob mo. Ayoko rin kitang makitang nasasaktan. Please, be strong!” Niyakap na ako ni Amanda pero ang utak ko ay wala roon, na sa mukha ni Papa na halos hindi ko na siya makilala pa. “S—sobrang sakit, Amanda! Sobrang saya pa namin kaninang umaga. Bakit iyong saya na iyon ay parang matagal na nangyari? Hindi ko matanggap! Kaya, Papa, bumangon ka na dʼyan! Pakiusap!” malakas kong sabi habang patuloy akong umiiyak pa rin. Tumutulo na rin ang aking uhog ko dahil sa panay iyak ko. “Oh, siya, Lady, iiyak mo lang nang iiyak niyan. Pagkatapos natin ay dapat maging malakas ka, ha, para sa sarili mo at kay tita Barbara.” Hinimas niya ang aking likod at wala akong inaksayang oras sa pag—iyak sa malamig at walang buhay na katawan ni Papa. Wala na talaga siya. “Hindi ka na ba iiyak?” tanong niya at binigyan ako ni Amanda ng tissue. Umiling ako sa kanya. “Pakiramdam ko wala na akong luha na mailalabas, Amanda. Naubos na.” “Mukha nga. Sobrang namumula at namamaga ang mga mata mo, Lady. Hindi lang pala mata, maging ang ilong mo rin. Oh, tissue pa.” Inabutan niya muli ako at pinunasan ko muli sa aking mukha. “Handa ka na bang lumabas?” Tinignan ko pa si Papa. Hindi ko alam kung ilang oras na kami rito sa morgue pero ni—isang beses ay hindi talaga siya gumalaw. . . Naghihintay akong sabihin niyang itʼs a prank, pero hindi, wala akong nakuha mula sa kanya. “Pa, b—babalik ako at baka sa puntong iyon ay iuwi ka na namin sa bahay. A—ako ang magdadala ng damit mo. . . A—alam ko naman na kung ano ang ipapagamit ko sa iyo. . . I—iyong barong niyo noong kinasal kayo ni Mama.” Huminga akong malalim. “Always mong binibida niyon sa akin na iyon ang favorite mong damit dahil pinakasalan ka ni Mama at si Mama rin ang pumili ng barong mong iyon. K—kaya iyon ang isusuot mo dahil alam kong kahit wala ka rito si Mama at ako pa rin ang iisipin mo. S—see you later, Pa!” Nakangiting sabi ko sa kanya at lumakad na kami palabas, hindi ko na binalik ang pagkatabing ng kumot sa face niya, hinayaan kong hanggang sa kanyang leeg lamang na parang natutulog lamang siya except na sobrang putla na niya. Lumabas kami sa morgue at nadatnan namin ang lalaking kumausap sa amin. “Iha, heto pala ang gamit ni Leo Nuez. Nandʼyan ang lahat, maging phone, wallet at iba pa.” Binigay niya ang isang plastic sa akin. “K—kuya, iyong ibang gamit po nila? K—kasi po may side car kami. . . Nagtitinda kasi iyong magulang ko ng mga gulay at ilang pirasong isda po. N—nandito rin po ba?” tanong ko sa kanya. Napakamot siya sa kanyang ulo. “Iha, hindi ko alam. Ang nasa akin lang ay hetong mga ʼto. Iyong mismong suot at nasa suot ng namatay. Tanong mo na lang sa mga pulis na nandito para hingan ng testimony ang mga nakaligtas, baka sila ang may alam.” mahabang sabi niya sa akin. “Salamat po. Mauna na po kami. Baka po pumunta ang iba para kunin po ang katawan ng Papa ko po.” Tinanguan niya ako. “Condolences muli, Iha!” Pahabol niyang sabi sa akin. Condolences? Hindi ko maisip na maririnig at sa sabihan ako ng ganoʼn. . . Sobrang aga pa para marinig ko iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD