DUMATING kami ni Amanda sa bahay namin, nakita namin ang magulong sala namin. Ang mga unan ay nakakalat at maging ang upuan naming mono blocks ay nakatumba. “Ma? Tita Gina?” malakas na tawag ko sa kanila. “Mader, nandito na kami ni Lady!” Nagmano ako kay tita Gina. “Kaawaan kayo ng Diyos.” Napatingin siya sa akin. “Nasa loob si Barbara, Lady. Nagwawala talaga siya kanina, as you can see.” Tinuro niya ang mga nakakalat sa paligid. “Napigilan ko lang ng dumating si Ariel para matulungan akong pakalmahin si Barbara at si Angel kinausap ang magulang ng bata,” sabi niya sa akin. “Ganoʼn po ba, Tita Gina?” Pinulot namin ni Amanda ang mga unan at maging ang mga mono blocks na nakakalat. “Lumalala na siya, Lady. Kailangan nating dalhin si Barbara sa mental health para matutukan siya lalo.”