CHAPTER 4

2002 Words
“Lady, may pulis sa labas, hinahanap ka mukhang tungkol sa aksidenteng nangyari kanina.” Napatingin ako kay tita Joli at maging sa wall clock na nandito. “Alas—otso na po, Tita Joli. Hindi po ba makakapaghintay ang sasabihin niya?” tanong ko sa kanya. May mga pulis pa rin pa lang sobrang sipag. “Hindi ko alam, Lady, pero puntahan muna para malaman natin kung ano talaga nangyari sa aksidente kanina.” Tumango na lamang ako sa kanyang sinabi. Huminga akong malalim at tinapik ang kamay ni Mama. “Babalik ako, Ma, sandali lang, ha?” sabi ko sa kanya. “Ako na bahala kay ate Barbara, Lady. Sige na, puntahan mo na iyong pulis na nasa labas.” Tumayo ako at lumakad na palabas ng room ni Mama. Nakita ko ang isang lalaking mas matangkad sa akin, moreno at matipuno. “Um, kayo po ba ang naghahanap sa akin?” tanong ko sa kanya. Nakakatakot siya. “Ms. Lady Mae Nuez?” baritonong tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya. “Ako nga po. B—bakit po?” “Iʼm sorry for your loss, Ms. Nuez. Iʼm SPO1 Calvin Lazaro, ako ang tumawag sa inyo kanina.” “Ah. H—hello, SPO1 Lazaro.” Napayuko ako sa kanya. “A—ano pong kailangan ninyo? Alas—otso na po ng gabi.” sabi ko sa kanya. Halata sa mukha niya na pagod na rin siya, kaya bakit hindi na lang siya umuwi sa bahay nila at magpahinga. “Pasensya na, Ms. Nuez, kung ngayon lang ako dumating para makausap ka—” “Ay, hindi po ganoon ang gusto kong iparating, SPO1 Lazaro. Ang ibig kong sabihin ay pʼwede naman pong bukas tayo mag—usap lalo naʼt mukhang pagod na po kayo. Kailangan niyo rin po nang pahinga,” paliwanag ko sa kanya. “Ah. Donʼt worry about me, Ms. Nuez. Ayos lang ako. Isa—isa ko rin kasing kinausap ang pamilya ng mga na—aksidente at namatay nilang pamilya. Pinakita ko sa kanila ang CCTV sa pinangyarihang aksidente, kayo na ang hinuli kong napuntahan pagkatapos kong imbestigahan ang driver ng tenth wheeler truck.” “T—tenth wheeler truck? I—iyon ang bumangga? Iyon ang dahilan ng aksidente na ito?” tanong ko sa kanya. “Paano? N—nawalan ba ng preno?” Huminga akong malalim at pinapakalma ang aking sarili. “Yes, nawalan ng preno ang minamanehong tenth wheeler truck ni Mr. Pangilinan. Humihingi siya ng pasensya sa mga—” “Nawalan ng preno? Palagi ko iyon naririnig. . . Nawalan ng preno ang ganitong truck... Kaya bumangga sila sa ibang sasakyan kaya sanhi ng may namatay. Ganoʼn na lang lagi ang naririnig kong dahilan? Bakit hindi nila i—check muna ang truck na minamaneho nila before silang umalis? Hindi iyong magso—sorry sila kapag nakabangga na sila at may namatay dahil sa kapabayaan nila. Kaya sorry? Ang daling sabihing sorry, pero paano kaming namatayan? Paano kaming mga naulila dahil sa kapabayaan nila? Paano po iyon, SPO1 Lazaro? Paano naman kami? Paano naman naming matatanggap ang sorry nila? Nawala ang Papa ko ng dahil sa kapabayaan nila. Hindi lang ang Papa ko, maging ang ibang katawan na nasa morgue na nakita ko. . . May mga bata pang nadamay. Kaya paano kung itatapal ang sorry niya sa puso naming sugatan ngayon? Ipaliwanag niyo sa akin?” mahabang sabi ko sa kanya. Hindi ko na naman napigilang lumuha nang sunod—sunod. Nakita ko ang gulat sa mukha niya nang makitang umiiyak na naman ako. Hinawakan niya ang aking braso at pinaupo sa bench. “Calm down, Miss Nuez. Alam kong kung gaano kasakit na mamatayan ng isang magulang. Alam kong hindi rin sapat ang salitang sorry para maghilom ang sariwang sugat na naiwan ng inyong ama. Pinaparating ko lamang ang sinabi ng driver sa akin sa mga naagrabyado niyang pamilya na nasawi kanina sa aksidente.” I heard him sighed. “Gagawin din naming lahat para makulong ang driver ng tenth wheeler truck, hindi rin sapat para sabihing nawalan ng preno kaya nagkaroon ng aksidente, katulad ng sinabi mo, may pananagutan siya at company nila. Kaya I wanted to assure you na makukulong ng habang buhay ang driver ng truck.” sabi niya sa akin. Pinunasan ko ang aking luha at tinignan siya. “D—dapat pong makulong siya, SPO1 Lazaro. Alam kong hindi rin niya gusto ang nangyari. . . Alam kong may pamilya rin siyang binubuhay at naghihintay sa kanya. . . Pero, paano naman kaming naulila ng mga nabangga niya dahil sa kapabayaan lamang niya? Wala na. Hindi na babalik iyong mga namatay naming pamilya. Kaya. . . Kahit alam kong may pamilyang naghihintay sa kanya, gusto ko pa rin siyang makulong. Gusto kong bigyan ng hustisya ang Papa ko at ang ibang tao nadamay sa aksidente. Kaya sana. . . Intindihin din ng pamilya ng truck driver ang sakit ng nararamdaman namin. S—sila, makikita pa nila ang truck driver, pero kami? Wala na. Habang buhay na naming hindi siya makikita. Sila, pʼwede nila madalaw ang truck driver. Kami, sa puntod na namin sila madadalaw, hindi pa namin makakausap. Kaya sana hindi isipin ng mga pamilya niya na wala kaming puso. . . Mayroʼn kaming puso, pero naging bato na dahil nawalan kami ng mahal sa buhay, kaya gusto rin siyang makulong. . . Lalo naʼt hindi pa rin nagigising ang Mama ko.” Nanginginig ang boses ko. Tuloy—tuloy ang agos ng aking luha sa magkabilang mata ko, parang gripo na ayaw magpapigil dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. “Your feelings is valid, Miss Nuez. Ilabas niyo lamang niyang nararamdaman ninyo para mawala ang bigat na dinadala niyo ngayon. Gusto ko rin sabihin sa inyo, na wala kayong babayaran ni—piso sa inyong bill. Sagot ng family ko ang bill ng mga taong na—aksidente ngayon, maging ang pagpapaburol sa mga yumao.” Napatingin ako sa kanya. “Kaya huwag na kayong mag—alala kung magtatagal kayo rito. Gusto ko ring itanong sa inyo. . . Gusto niyo bang makita ang CCTV na kuha sa pinangyarihang aksidente. Dala ko ngayon.” dagdag niyang sabi at nakita ko ang IPad na dala niya. Napalunok ako at napaisip kung papanoorin ko ba ang CCTV na iyon, pero wala akong alinlangan na tumango sa kanya. “Gusto kong makita, SPO1 Lazaro. Gusto kong makita kung paano nangyari ang malagim na aksidente na ito,” seryosong sabi ko sa kanya. Naupo siya sa tabi ko at binigay ang iPad na dala niya. “Sabihan mo lang ako kung ayaw mo ng panoorin, Ms. Nuez,” sabi niya sa akin. Huminga akong malalim at plinay ang video sa pinangyarihang aksidente. Kalmado ang traffic, gumagana ang stoplight at walang kahina—hinalang may malagim na mangyayari sa intersection na ito. Nag—flinch ang noo ko nang makita ang side car bike namin. “Sina Mama at Papa,” sabi ko habang nakatingin kung nasaan sila. Dumaan sila sa bike lane ng intersection. “Magku—kulay green na hudyat na tatawid na galing sa southbound, Ms. Nuez.” Tinuro niya ang parteng iyon. Napalunok ako nang may makitang truck, heto na siguro tenth wheeler truck na sinasabi ni SPO1 Lazaro. Nagkulay green na nga ang stoplight sa line nila. Napalayo ako nang makitang dire—diretsong bumulusok ang truck, nahawi niya ang mga sasakyan at motor sa harapan niya, maging ang ibang naglalakad sa pedestrian lane. Nakita ko pa ang ilang tumilapon dahil sa lakas. Hindi lang iyon, maging sa kabilang lane kung nasaan sina Mama at Papa at maging ang ibang naglalakad sa side lane ay nadamay. “Ma! Pa!” malakas kong sabi nang dumiretso sa concrete wall ang tenth wheeler truck. “A—ang daming nadamay. . .” Nauutal kong sabi at tulala akong napatingin kay SPO1 Lazaro. Kinuha niya ang iPad sa akin at ini—stop ang pagplay, naririnig ko kasi roon ang mga saklolo at pagtakbo ng mga taong hindi nadamay. “Halos nasa 30 katao ang namatay at nasa 40 plus ang mga sugatan. Iyon ang ulat sa amin.” “Ang dami. . . Ang daming nadamay. Ang daming namatay.” Napalunok ako. Sa thirty na namatay, isa roon si Papa. “B—buhay pa po ba si Papa nang dalhin dito sa hospital? O, patay na po siya bago dalhin dito?” tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kung lumaban ba si Papa sa buhay niya. “Nakita ang katawan ng magulang mong magkayakap, mukhang prinotektahan ni Mr. Nuez si Mrs. Nuez. Humagis ang kanilang katawan papunta sa bangketa at ang ibang naglalakad ay nadamay rin.” Tumango—tango ako sa kanyang sinabi. “May pulso pa si Mr. Nuez nang makita ng mga rescuer. Nakapagsalita pa siyang, unahing gamutin si Mrs. Nuez.” Nang marinig ko iyon ay napahagulhol na ako. “S—si Papa. . . Lagi niya kaming inuuna sa lahat ng bagay. P—papa, sana lumaban ka!” malakas kong sabi habang humahagulhol pa rin ako. “Miss Nuez, mukhang alam ni Mr. Nuez na hindi na rin siya tatagal. Nakita ng mga rescuer si Mr. Nuez na may nakatusok na steel sa bandang puso niya, galing sa truck ang steel na nakatusok sa kanya. Laking pasasalamat ng mga rescuer na hindi rin bumaon kay Mrs. Nuez ang bagay na iyon. Kaya siguro pinauna niyang gamutin si Mrs. Nuez kaysa sa kanya.” Naalala ko ang malaking sugat sa dibdib ni Papa nang makita ko siya morgue, dahil doon ay namatay siya. “Oh my gosh!” Hinayaan niya akong umiyak nang umiyak hanggang kumalma na rin ako. Binigyan niya ako ng tubig kaya ininom ko iyon. “SPO1 Lazaro, i—iyong side car bike namin? S—saan po namin makukuha? P—pundar po iyon ng Papa ko. I—iyon na lang po ang iniwan niya sa amin kaya gusto kong kunin k—kahit sira na siya. Gusto ko lang makuha ang bike ng Papa ko.” tanong ko sa kanya. “Miss Nuez, pinapaayos namin ang gamit na iyon. Once na maayos na ay ibibigay rin namin sa inyo pabalik. Sa ngayon, magpatatag ka para kay Mrs. Nuez. Kapag may balita muli kami ay dadaan muli ako rito para mag—report.” Tumango ako sa kanya. “S—salamat po, SPO1 Lazaro. Maraming salamat po talaga.” Tumayo ako at yumuko sa kanya. “Hindi na kailangan niyan. Trabaho ko ito kaya dapat malutas ko para sa pamilyang naulila sa nangyaring aksidente. Mauuna na ako sa inyo, Ms. Nuez. Sana gumaling agad si Mrs. Nuez.” Tinapik niya ako sa aking balikat at nauna na siyang lumakad. Mabibigyan ng hustisya ang nangyari kina Mama at Papa. Maniniwala ako kay SPO1 Lazaro. Bumalik ako sa room, nakita ni tita Joli na namumugto na naman ang mga mata ko. “Anong sinabi sa iyo, Lady?” tanong niya sa akin. “M—makukulong ang driver ng tenth wheeler truck, Tita Joli. Wala rin tayong babayaran ni—pisong doleng po rito sa hospital at pagpapalibing kay Papa. P—pinakita rin sa akin iyong nangyari aksidente kanina, nakita ko kung paano nadamay sina Papa at Mama, Tita Joli. Nalaman ko rin kung paano namatay si Papa. Umuulit—ulit iyon sa isipan ko. N—namatay siya dahil sa bakal nakaturok sa dibdib niya, buhat sana siya kung wala iyon, Tita Joli. Buhay dapat si Papa!” Naiiyak na naman ako kaya niyakap ako ni tita Joli. “Sshh. . . Lady Mae, tahan na. Tahan na.” paulit—ulit na sabi ni tita Joli sa akin kahit dama kong umiiyak na rin siya. Mahal talaga namin si Papa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD