ISANG buwan ang nakalipas, November 30, heto ang araw na magpapalit naʼng schedule sa bawat floor. Kinakabahan ako kung saan ako ilalagay, sa first month ko kasi ay sa lobby kami nina Amanda and Glecilda, mahirap ang work doon dahil daanan ng lahat kaya lima kaming naka—assign doon, dalawa ay senior namin. “Lady, saan kaya tayong floor ilalagay, ano? Kinakabahan ako mamaya. Kumakabog nang malakas ang dibdib ko. Sa panaginip ko, iyon ang nasa isipan ko. Saan ako ilalagay na floor. Ikaw ba, Lady, kinakabahan ka rin ba?” tanong ni Amanda sa akin. Nasa jeep na kami papunta sa Larkin Technology Company. Maaga kami ngayon dahil iyon ang chat ni Ms. Chelley sa aming lahat na maaga kaming pumasok dahil magbabago ng floor assignment today. “Hindi ko rin alam, Amanda. Tanging si Miss Chelley lan

