NATAPOS ang paglilinis ko sa 9th floor na matiwasay dahil wala si Mr. Larkin sa kanyang office. Pasalamat na lang din ako dahil nag—inspection siya sa ibang mall kung saan may kiosk ang kanilang business. “Lady, kapag natapos na lahat ang ginagawa mo, pʼwede ka ng hindi bumalik after ng lunch. Kaya maganda rito sa floor 9th floor, iyon nga lang ayaw nila dahil sa boss natin,” sabi ni Nanay Teresita. Tumango ako sa kanya habang tinutulak na ang cart ko papunta sa harap ng elevator. Natapos na kaming maglinis, ang bilis dahil na rin dalawa kami, o, sadyang mabilis kumilos si Nanay Teresita. Pinapanood ko siya sa bawat galaw niya at sinusundan ko kung ano ang dapat kong gawin kahit pinaliwanag niya ang lahat sa akin, mas maganda kasi kapag actual kong nakikita. “Ang bilis niyong natapos,

