“HELLO, ako si Cora at siya naman si Hilda, two years na kami rito sa company. Hindi nakakapagod ang trabaho rito. Magwawalis ka lang at magma—mop dito. Iyon lang ang ginagawa sa buong floor, then kukunin natin ang trashbin sa bawat table kung naka—assign ka sa mga department. Dito naman sa lobby, iyong mga large trash can ang kukunin natin, naka—segregate na ang mga iyon kaya hetong cart natin ay may tatlong space para roon. Kung saan naman itatapon after? Nakita niyo ba ang dulo hallway sa floor natin? Doon niyo ihuhulog then diretso na iyon sa pinaka—ibaba at kukunin na lamang ng mga garbage collector, araw—araw sa ganap na madaling araw kaya bago mag—umpisa ang umaga ay back to zero iyon,” paliwanag sa amin ate Cora. Tumango kami sa kanya. “Salamat po, ate Cora. Pʼwede po bang ate an

