Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 65: Ang Hatol ng Kalikasan Mabilis na lumipad ang mga umiikot na bagay na iyon patungo sa amin ni Ibarra. Ang bawat madaanan nito ay nahahati at nasisira ng walang kahirap hirap. Manhid man ang aming katawan ay pinilit naming tumayo at tumakas upang hindi mahagip ng delikadong sandatang iyon. Muli kong pinag masdan ang naturang bagay, para itong isang malaking plato na binutasan sa gitna. Ito ay yari sa purong ginto at matalim ang gilid na animo blade. Wala itong enerhiya sa paligid ngunit umiikot lamang ng mabilis na mabilis na siyang nakaka sira ng mga bagay sa paligid. Sa madalit salita ay para itong boomerang na yari sa manipis na bilog. Sumasayaw sa hangin na animo umiikot na UFO, hulahoop, ewan. Basta ang alam ko ay delikado ito. Su