Part 66: Ang Hiwaga ng Pagmamahal

2101 Words

Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi   Part 66: Ang Hiwaga ng Pagmamahal   "Ibarra gising" ang wika ko kay Ibarra habang inuuga ang ulo nito.   "Umm, inaantok pa ako. Bakit ba?" ang pag mamaktol nito at muling sumubsob sa aking dibdib.   "Importante ito. Kanina ay may natuklasan ako isang mahalagang bagay." tugon ko dahil para muling umangat ang ulo nito.   "Bagay? Ano naman iyon?" tanong nya.   "Halika, ipapakita ko sa iyo." ang naka ngiti kong sagot sabay tawag kay Akito upang ikabit ang aking kalasag.   Niyakap ko si Ibarra at doon ay lumipad kami sa himpapawid kung saan makikita ng buo ang mataas na lupang kanyang nilikha. "Pag masdan mo ang iyong ginawa. Ang mataas na lupang iyan ay isang bundok at iyan ang Hiraya! Ikaw ang gumawa ng bundok na ito!" ang wika ko kay Ibarra.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD