Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 41: Ang Kwento ni Ibarra 2 Ilang minuto rin akong namamalipit sa sakit hanggang ang init sa loob ng aking katawan ay napalitan lamig na siyang nag pakalma sa aking sarili. Kumalma ako at doon ay napatingin ako kay papa. Tila nag bago nanaman ang kanyang anyo, nawala ang kulay abong buhok niya at ganoon din ang kanyang berdeng mata. "Mabilis na tinanggap ng iyong katawan ang elemento ng lupa. Marahil ipinanganak ka talaga para mag mana nito." ang naka ngiting salita ni papa sabay halik sa aking noo. Tahimik.. "Daria, ikaw ang bahala kay Ibarra. Alagaan mo siyang mabuti." ang habilin nito at muling ikinumpas ang kanyang kamay. "Ipapadala ko kayo sa isang tahimik na lugar kung saan hindi kayo magugulo ng kalaban. Paubos na rin ang lakas ko at