Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 42: Ang kwento ni Ibarra 3 Nag patuloy ang aking buhay bilang isang manggamot. Marami na ring akong narating na nayon at halos lahat sila ay iginagalang ako kaya naman nawiwili akong tulungan sila. At dahil nga palakad lakad ako sa lugar ng maraming tao ay nasanay na rin sila sa aking anyo at hindi nag tagal ang aking itsura ay hinangaan na rin ng mga kababaihan at pati kalalakihan sa ibat ibang lugar. Tinulungan naman ako ni Tandang Orani upang itago ang aking kakayahan ng sa gayon ay hindi nila malaman na ako ay isang hesuya o anak ng isang engkanto. "Makapangyarihan ang taglay mong lakas iho, sana gamitin mo ito sa tama." ang wika ng matanda habang sinusuri ang aking mga daliri. "Hindi ko naman po ginagamit ang aking kapangyarihan dahil