Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 24: Malagim na hinaharap 1 Maya maya ay sabay sabay nilang ikinumpas ang kanilang kamay at mula dito ay lumabas ang kakatwang liwanag na siyang nag pasabog sa harang. Isang malakas na yanig ang bumalot sa buong kabahayan. Isa, dalawa, tatlong beses o higit pang pag papasabog ang ginawa ng mga engkantong kasama ni Ivo na nag lalayong wasakin ang harang na proteksyon. Sadya at sapilitan ang kanilang pag atake kaya naman ibayong pag aalala ang lumukob sa aking pag katao. Halos hindi ko malaman kung ano ang aking gagawin dahil aminadong nataranta rin ako sa bilis ng mga pangyayari. Tila panandaliang nawala ako sa aking sarili kaya naman kinuha ko ang aking baril at nag tangka akong lumabas ng bahay. "Leo, sandali!! Huwag kang padalos dalos, maaari