Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 23: Naglahong pangarap "Tanya! Tanyaaaa!" ang sigaw ko dahilan upang matuon sa akin ang atensyon ng lahat. Hindi ko na rin nakontrol ang aking sarili dahil mas nangingibabaw sa aking isipan ang makita at makausap ang ina ng aking anak. Mabilis pa sa kidlat, agad akong nag tatakbo patungo sa kanyang kinalalagyan sabay hawak sa braso nito na kanyang ikinagulat. Dati pa rin siya, walang pag babago, tumaba lamang ng kaunti ngunit maganda pa rin ang kanyang mukha katulad ng noong huling beses na kami ay mag kita. Kahawig niya ang artistang si Jessie Mendiola ng kapamilya network, ganoon kung ilarawan ko siya sa aking mga kaibigang barako kapag kami ay nag iinuman. "Leo?" ang hindi makapaniwalang tanong nito noong ako ay lingunin. "Ako nga ito Tan