Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 36: Pugad ng Panganib “Grabe likod palang ni Lucario parang napaka gwapo na. Yung tindig, yung muscles, yung makinis na balat, yung define na balikat. Hay! Tapos ang powerful ng loko, biruin mo patay ang nasa 500 na blood sucker, gaano kahalimaw iyon!” ang pag hanga ni Tembong habang naka sakay kami sa kariton. Halos nasa 4 na oras na rin kaming nag lalakbay, ganoon pa rin ang sikat ng araw pero ang lamig ay hindi pa rin nag babago. Hindi ko tuloy maisip kung anong klaseng pag lalakbay ang pinag daanan nila mama at ng iba pa para mapunta rito. “Teka may naisip ako, bakit nga ba nag papakahirap tayong mag lakbay sa daang ito? Kung pwede naman tayong mag teleport nalang patungo doon sa lumang palasyo na iyon? Hindi ba’t si Tembong ay may kakayahang mag t