Ang Sumpa ni Ibarra AiTenshi Part 37: Matalik na Kaibigan Wala nang yelo sa paligid pero nanunuot pa rin ang matinding lamig sa aming mga katawan habang tinatahak ang tulay patungo sa lumang palasyo. Tahimik ang lahat habang abala sa pag hakbang sa gitna ng mahamog na paligid. May pag kakataon na binabalot ako ng kaba lalo na kapag humihinga ako ng malalim ay malinaw kong nararamdaman ang aking puso na parang umaakyat sa aking lalamunan. Hindi ko tuloy maiwasang humawak sa kamay ni Ibarra habang patuloy kami sa pag lalakad. "Natatakot ka ba?" tanong niya. Napabuntong hininga ako. "Oo, lagi naman akong natatakot, hindi para sa sarili ko kundi para sa ibang tao." ang wika ko sabay bitiw ng hilaw na ngiti. "Isang mahabang pag lalakbay ito para sa atin, ang mahalaga ay buhay pa rin tayo ng