Shynelle BAGO SUMAPIT ang lunch ay bigla ring dumating ang family ng panganay na anak nila Tito Charlie at Tita Lhevy na si Kuya Charles, mula pa sa Oriental Mindoro. Kaya umabot sila sa pananghalian at nakumpleto ang buong pamilya nila. Madali lang naman kasi sa kanila ang bumiyahe dahil mayroon silang private helicopter na anumang oras ay nagagamit nila. Dito nga sa rooftop nitong mansion ang kanilang landingan. Sa hapagkainan ay napag-usapan muli ang tungkol sa kasal namin ni Chase. Pa-simple ding pinasaringan ni Tito Charlie ang kanilang anak. "I hope you learn from your mistakes. Pasalamat ka at mabait itong si Shyn and you have a wonderful daughter who loves you so much. Your daughter also wants a complete family." Lumingon ako sa sala kung saan naroroon na sila Sunnie at ang