Shynelle PINLANO na ni Chase na magpakasal na kami dito sa Isla ora-mismo pero tumanggi ako. Ipinaliwanag ko sa kanya na nagsakripisyo si Kuya Niall ng ilang taon para sa akin bago sila nagdesisyong magpakasal na ni ate Joy, kaya hindi ko na siya pwedeng unahan pa ngayon. Tutal, si Kuya din naman ang panganay at buntis nang muli si ate Joy sa pangalawa nilang anak, sila na lang ang maunang ikasal. Marami nang naitulong sa amin si Kuya kaya hindi ko sisirain ang moment nilang ito ni ate Joy. Pero mukhang napilitan na lamang ding sumang-ayon si Chase. Pakiramdam ko ay natatakot pa rin siya na baka iwan ko siyang muli kasama ng anak namin. Eh, bakit pa siya matatakot ngayon? Wala na si Misty. Walang patay na nabubuhay muli, maliban na lang kung multuhin siya ni Misty. Huwag lang ako, l