THIRD PERSON "KUNG MAAARI lang sana, huwag niyo nang guluhin pa ang kapatid ko at ang mga Delavega. Ako na ang nakikiusap sa inyo," malumanay na pakiusap ni June sa grupo ni Aljur sa 'di kalayuan sa plaza kung saan may nagaganap na concert. Nasa likod niya ang kapatid niyang si Dece. Dumating na rin sila Enero at August. "Tahimik ang lugar naming 'to, lalong-lalo na ang pamilya namin. Welcome naman kayong lahat dito, huwag na huwag lang kayong gagawa ng gulo." "Bakit? Pag-aari niyo na ba ang lugar na 'to kaya ganyan ka na lang makapagsalita sa amin? Sino ka ba? Mayor ka ba dito?" maangas na tanong naman sa kanya ni Aljur. Nanatili pa ring mahinahon si June sa harapan ng mga ito. "Hindi ko naman kailangan maging mayor para panatilihin ang kaayusan at katahimikan ng lugar namin. May di