"Kumusta ka na?" "A-Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Pakiramdam ko ay umurong bigla ang ihiin ko! "Nakiki-fiesta. Okay lang ba?" Hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi niya habang nakatitig sa akin. "P-Parang ang layo nitong napuntahan mo. Sino bang kasama mo?" Nasabi niya kasi sa akin noon na sa Tarlac ang probinsiya nila, kaya paanong umabot siya hanggang dito sa Mindoro? "My sister and a few friends." Napalingon naman ako sa paligid, hanggang sa matanaw ko sa kaliwang bahagi nitong plaza ang isang grupo ng mga lalaki at babae. Nasa apat sila, at kumaway sa amin ang dalawa sa kanila. Kumaway din siya sa kanila, bago muling bumaling sa akin. "May kaibigan kaming taga-rito at isinama nila kami dito." "T-Talaga?" "Yeah. Are you surprised?" "Oo, nagulat talaga ako."