Shynelle MASAYANG NAIRAOS ang bachelorette party ni Ate Joy sa loob ng bridal suite. Nagkaroon ng kantahan, sayawan, inuman, pagbibigay ng mga heart whelming message para sa kanya, picture taking and video recording kasama ang mga babae din naming photographer. Nakailang palit din kami ng mga damit at inayusan din ng apat naming make-up artist. Ala-una ng madaling araw nang ito ay matapos. Kailangan na ring magpahinga ng bride dahil araw na ng kasal niya kinabukasan, bukod doon ay nagdadalantao pa siya. Si Chase ang sumundo sa akin pabalik sa silid namin. Maaga din kaming natulog. Pero dahil nakainom ako ng alak, ako ang nag-request sa kanya na maka-isang round muna. Tuwang-tuwa din naman ang mahilig na lalaki. *** KINABUKASAN ay maaga pa rin kaming nagising at kaagad na naghanda.