THIRD PERSON POV HINDI MAKAPANIWALANG pinagmasdan ng mga tauhan ni Chase ang katawan ng lalaking may tama ng tatlong bala ng baril sa dibdib, ulo at leeg. Kaagad din itong nawalan ng buhay. Samantala, sila Lucas at Eddie ay mabilis na sumakay ng kotse at sinundan ang lalaking nakamotorsiklo, na siyang bumaril sa lalaki. Napalabas naman ng simbahan ang ilan sa mga pinsan ni Chase na miyembro ng lihim na organisasyon nang maramdaman nilang may nangyayaring kakaiba sa paligid. Siniguro nilang hindi mabubulabog ang nangyayaring kasalan. Hinarap nila Rijhen, Omer, Devin at Noah si Chase. Dito naman ipinaliwanag ni Chase ang buong pangyayari sa restroom. Kaagad na tumawag ng backup mula sa mga kasamahang agent si Rijhen upang matunton ang lokasyon ng lalaking rider na bumaril sa lalaking