KINAGABIHAN, natapos na kaming kumain ng mga bata pero hindi pa rin dumarating si Charm. Ako na ang nagluto ng hapunan namin. May natira pa sa ref para sa dinner ni Charm. Iinitin na lamang 'yon mamaya pagdating niya. Naririto na kami ngayon sa kwarto ng mga bata. Alas otso na ng gabi at nakikita kong antok na antok na sila. Hindi na sila nakatulog pa kaninang tanghali dahil sa dami naming ginawa. Dumating din kanina si Tito Charlie, kasama ang bunso nilang anak na si Charlotte, kaya naipaliwanag ko sa kanila ng maayos ang lahat. Laking pasasalamat ko dahil naunawaan naman nila ako at mukhang naniniwala din naman sila sa akin. Kaya ngayon ay medyo nababawasan na ang mga dinadala kong bigat sa buhay. Maraming lihim, maraming kailangang harapin, maraming kailangang bigyan ng paliwanag. At