"BYE, DADDY!" "Bye, Mommy!" Nagpaalam na ang dalawang bata sa ama nila at mommy-mommyhan nila. Humalik pa ang mga ito sa mga pisngi nila. Nang matapos ay nauna nang sumakay ng kotse si Gretchen. Napalingon naman ako sa nakabukas na gate nang pumasok doon ang kotse ko. Nakahinga akong bigla ng maluwag dahil dumating na rin sa wakas ang mga gamit ko. Huminto ito sa kanang bahagi ng bakuran at bumaba mula sa front seat nito si Kuya Bert. Bumukas din ang backseat at lumabas mula doon si Patrick na siyang ikinahinto ko at ikinamilog ng mga mata ko. "Pat?" "Hey, baby." Kaagad namang sumilay ang napakatamis nitong ngiti sa mga labi. Inilabas niya mula sa loob ng kotse ang isa kong maleta. Kaagad ko siyang nilapitan. "What are you doing here?" Aksidente akong napalingon sa kinaroroonan nil