BAGO SUMAPIT ang tanghali ay bumaba ako sa kusina. Dalawang maid ang naririto at naabutan kong nagluluto. "Hi. Ano'ng niluluto niyo?" Napalingon naman sila sa akin at namilog bigla ang mga mata. "Ms. Jill, kayo po pala!" "Nandito po pala kayo?!" Napangiti naman ako sa inakto nila. Sila 'yong matatagal nang maid nila Tita Lhevy at Tito Charlie sa mansion nila, pero hindi ko matandaan ang mga pangalan nila. Mukhang hindi na kumuha ng bagong maid si Charm para na rin siguro sa mga iniingatan niyang sikreto. "Yes, just this morning." "Nagulat naman po kami." Humawak sa dibdib ang isa sa kanila. "Oo nga po. Kakikita pa lang po namin sa inyo kanina sa facebuk. Nagkalat doon ang mga video niyo at pictures na dumating na kayo dito sa Pilipinas. Tapos may mga pictures pa kayo na kasama si