Shynelle "Mommy!" Tumunghay ako sa kinaroroonan ng mag-ama. Nasa medyo malalim na part na sila nitong dagat dahil nakikita ko na hanggang dibdib na ito ni Chase. Nasa hindi naman sila ganun kalayo sa kinaroroonan ko. Nakasakay sa salbabida si Sunnie bukod sa suot din nitong life jacket. "Come here, sweetheart! Join us here!" tawag sa akin ni Chase, pero hindi ko sila pinansin. Tama na sa akin ang umupo dito sa gilid at hayaang humampas sa mga hita ko ang tubig. Takot ako sa malalim dahil hindi ako marunong lumangoy. Baka tangayin din ako ng alon. Ilang beses na kasi akong kamuntik nang malunod sa Laguna Lake noong bata pa ako, lalo na sa tuwing bumabaha doon. "Mommy! Come here, Mommy!" tawag pa rin sa akin ni Sunnie. Nakita kong lumalapit na sila dito sa kinaroroonan ko. "Dito la