Shynelle ISANG PABILOG, malaki at malapad na sofa ang naririto ngayon sa kaliwang bahagi ng rooftop. Napalilibutan ang mga gilid nito ng mga throw pillows at sa gitna nito ay mayroong isang pumpon ng mga red roses. Sa harapan naman nito ay mayroong isang mini table na nako-cover-an din ng puting tela, katulad ng cover ng sofa. May nakahanda ditong alak at pagkain na sinamahan ng dalawang candle lights na nasa loob ng mga glass. Pinalilibutan ang napakagandang setting na ito ng mga recessed lights na naka-hang sa mga bakal na nasa itaas at palibot nito na siyang nagbigay liwanag sa buong paligid. Sa harapan naman nito ay mayroong isang hindi kalakihang wall mounted projector screen na nakabukas na ngayon. Natatanaw mula dito sa rooftop ang madilim at malawak na karagatan sa ibaba. Nar