HINDI ko malaman kung matatawa ba ako sa mga sinasabi niya o ano. Pero umiiyak talaga siya sa likod ko. Seryoso na ba talaga siya niyan? Nilingon ko na siya at hinawakan ang mukha niya. Yumuko naman siya, na parang nahihiyang salubungin ang aking mga mata. Pero basa na ang pisngi niya sa luha at patuloy pa rin siya sa paghikbi. "Iyakin ka pala," pang-aasar ko pa sa kanya. "Ibigay mo na sa akin 'yang kamay mo. Baka maimpeksyon pa 'yang sugat mo." "Can’t you see? I’ve already swallowed my f*****g pride for you," sagot naman niya, bago muling humagulgol. Lihim naman akong natawa. "Ang childish mo talaga." Kinuha ko na ang kamay niya at ipinagpatuloy ang paggagamot sa sugat niya. "Sabihin mo na ang lahat nang gusto mong sabihin sa akin, tatanggapin ko. Wala na ngang natira sa akin kundi