Bella's POV Pagkatapos naming magdinner kagabi ni Damian ay kaagad akong pumasok sa kwarto ko. Siya na ang nagpresenta na magligpit ng pinagkainan namin kaya iniwan ko na siya kaagad dahil naiilang pa rin ako sa kanya. Simula ng hinalikan ako nito sa VVIP room ng club ay pakiramdam ko ay nag-iba na ang pakikitungo nito sa akin. Hindi ko rin maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. Sa lahat ng lalaki ay sa kanya lang ako nagkakaganito. Kahit kay Adrian noon ay hindi pa ako nakaramdam ng ganito. Napahawak ako sa labi ko at napatulala. Si Adrian ang first kiss ko pero pakiramdam ko ay kay Damian ko naramdaman ang tamis ng unang halik ko. Iyong unang halik ko mula kay Adrian ay napilitan lang ako dahil sa boyfriend ko siya at parang naging obligasyon ko iyon bilang girlfriend niya kaya pi

