Bella's POV Maaga akong nagising para magluto ng agahan namin ni Damian, may pasok ito sa trabaho kaya kailangan ko siyang pagsilbihan bilang katulong rito sa condo niya. Bago mag-alas otso ng umaga ay umaalis na ito papunta sa trabaho niya kaya alas sais pa lang ng umaga ay gumising na ako para magluto ng agahan namin. Ginawan ko ng sandwich si Damian. Nagluto naman ako ng fried rice at longganisa para sa akin. Nagtimpla rin ako ng juice at nilagay muna sa fridge. Ilalabas ko na lang 'yon mamaya kapag lumabas na si Damian sa kwarto niya. Maya-maya pa ay narinig ko ng nagbukas ang pinto ng kwarto ni Damian. Nakabihis na ito. Nagtungo ito sa dining area at napatingin sa mga pagkaing nakahain sa mesa. "Good morning, Sir," bati ko sa kanya, "kumain na po kayo." Ani ko. "Good morning, Bel

