Bella's POV Damian is attending a birthday party at isasama niya ako, nasa isang hotel kami ngayon dahil dito ako aayusan. Hindi na sana ako sasama pero mapilit si Damian kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanya. Kasama ko ngayon si Jane dito sa loob ng makeup room, nasa labas naman si Damian. May nag-aayos din sa mga susuotin niya. "Bella, tapos na ang makeup mo." Ani Jane. Siya ang nag-makeup sa akin ngayon at nag-ayos ng buhok ko. Siya rin ang nagdala ng mga damit na pagpipilian kong suotin. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin na nasa harap ko. Ang ganda ng pagkaka-ayos sa akin ni Jane. "Salamat, Jane." Ngumiti ako sa kanya. "Halika na at pipili pa tayo ng isusuot mo." Aya nito sa akin. Tumayo naman ako at tiningnan ang apat na nakahanger na na nga evening dres