Bella's POV Halos mag-aalas dose na nang makauwi kami sa condo ni Damian. Hindi ko alam kung bakit naging tahimik bigla si Damian. Gusto ko sana siyang kausapin pero parang wala ito sa mood kaya hinayaan ko na lang siya. Nang makapasok na kami sa condo niya ay tiningnan ko siya. "Salamat sa pagsama sa akin kanina sa party," wila ko at ngumiti sa kanya, seryoso lang itong nakatingin sa akin, "goodnight." Tumalikod na ako sa kanya at naglakad na patungo sa kuwarto ko ng hinila nito ang kamay ko papunta sa kuwarto niya. "Damian?" Nagtatakang pagtawag ko sa kanya. Sinarado nito ang pinto ng kuwarto niya nang makapasok na kami at binuksan ang ilaw. Napakaseryoso ng mukha nitong nakatingin sa akin. "Matutulog na ako. Anong oras na." Ani ko. "You will sleep beside me." Aniya. "Doon na ak